Connect with us

Entertainment

Ryza Mae Dizon, Pinasaya Ang Kanyang Pamilya Matapos Bigyan Ng Isang Masayang Bakasyon Sa Beach

Ang child star na si Ryza Mae Dizon ay nakilala ng publiko at sumikat nang manalo ito sa edition ng Eat Bulaga na Little Miss Philippines. Sa nasabing patimpalak ay ibinuhos ni Ryza ang kanyang talento at kinagiliwan ng mga manunuod ang bibong personalidad niya.

Matapos nga ng kanyang pagkapanalo ay naging parte agad siya ng variety show na Eat Bulaga bilang host simula taong 2012 hanggang sa kasulukuyan at siya ang pangalawang pinakabatang host sa nasabing variety show.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Nalaman natin ang buhay na pinanggalingan ng child star na kanyang ibinahagi sa Eat Bulaga. Nasubaybayan rin natin ang kanyang pagpupursigi upang mabigyan niya ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.

Bagama’t samu’t saring hindi kaaya-ayang mga salita ang kanyang natatanggap mula sa mga mapangutyang tao na tila hindi niya deserve ang pagkapanalo bilang Little Miss Philippines, marami pa rin ang namangha at naniwala sa kakayahan ng child star at siya nga ay mas lalo pang nakilala.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Makalipas ang ilang taong pagtatrabaho sa industriya ng showbiz ay nakapag-ipon na si Ryza at sinimulang ipatayo ang kanyang dream house para sa kanyang pamilya.

Pinasok na rin ni Ryza ang vlogging at nito lamang ika-19 ng Marso ay ibinihagi ng child star sa kanyang vlog ang summer gateway nila sa Subic kasama ang kanyang pamilya at trabahador ng kanilang ipinapatayong bahay. Sakto ang mainit na panahon para mag-beach, maghanap ng magandang tanawin at lumanghap nang sariwang hangin.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Sinulit ng child star at Eat Bulaga host ang pagkakataong ito upang magbakasyon at makasama ang pamilya at mga nagtratrabaho sa kanilang pinapatayong bahay. Naging double celebration ang outing nila Ryza sapagkat ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng kanyang kapatid na si Nathan sa araw na iyon.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Sa simula pa lamang ng vlog ay ipinakilala na ni Ryza ang kanyang mga kasama sa outing. Bagama’t, nahihiya ang ilan maipipinta pa rin sa kanilang mga mukha ang kasiyahang nadarama.

Ang bawat isa ay kumikilos at pawang abala sa paghahanda ng mga pagkain. Sa mabilisang bakasyon nila Ryza sa makapigil hiningang tanawin ng beach hindi mapapantayan ang tuwa at sayang inialay ni Ryza para sa kanyang pamilya at mga trabahador na mas lalong nagpatibay sa kanilang samahan.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Ang tagumpay ay nasa ating kamay tayo ang may hawak at may karapatang magdesisyon para sa ating kinabukasan. Maging si Ryza man ay dumanas ng hirap bago nakamit ang ang tagumpay at nagawang tumulong sa kanyang pamilya upang umahon sa kahirapan ng buhay.

Sa kabila ng nakamit na kasikatan at karangyaan, hindi ito nakalimot na tumanaw sa pinanggalingan at patuloy ang pagbibigay kasiyahan sa ibang tao.

error: Content is protected !!