Connect with us

Entertainment

Ryan Bang Tuluyan na nga bang iiwan ang “It’s Showtime”?

Published

on

Kamakailan lang ay nagdiwang ng ikasampung anibersaryo ang “Its Showtime” at taon taon ay may ginagawang pakulo ang nga host nito. Ang “Magpasikat” o pagpapakitang-gilas ay taon taon ng ginagawa ng Its Showtime host tuwing anibersaryo nila. Taon Taon din ay iba iba ang nagiging kapareha ng mga host sa Magpasikat at kamakailan lang nga ay nakapareha ni Karylle ang koreanong si Ryan Bang.



Hindi inaasahan ng karamihan na pagkatapos magpasikat nila Karylle at Ryan ay biglang ibinunyag ni Karylle ang posibilidad na pag-alis ni Ryan Bang sa Its Showtime. Ayon kay Karylle dadating ang araw na may malaking oportunidad si Ryan Bang na matatanggap sa Bansang Kanyang pinagmulan at ito ay ang South Korea. Kapag dumating na ang araw na iyon ay dapat niyang sunggaban ang ganoong oportunidad kahit na ang kapalit nito ay ang tuluyan niyang paglisan sa Its Showtime.

Ang tinutukoy ni Karylle na big break ni Ryan Bang ay ang di umanoy pagkuha sa aktor bilang isa sa mga aktor ng isang comedy show sa South Korea.

Ang tinutukoy na “big break” para kay Ryan ay ang pagkuha sa kaniya na mapasama sa isang comedy show sa South Korea kung saan siya nagmula. Ito ang esaktong sinabi ni Karylle kay Ryan na,

“Kasi alam ko’ng one day, iiwan niya tayo. Magiging superstar siya sa Korea! And I see it so much Ryan. Thank you for spending so much time in It’s Showtime. Pero one day you’ll have to fly pero huwag mo kaming kakalimutan,”

Medyo naging emosyonal na din si Ryan pero nagpasalamat pa din ito kay Karylle at kanyang sinabi dito na,

“Ate K alam mo sobra kita mahal. Sobrang I love you. Thank you so much Ate Karylle!”



Maraming netizens naman ang humanga at pumuri sa naging performance ng dalawa sa Magpasikat 2019 at ang ilan sa kanila ay nag-akala na silang dalawa ang mananalo at tanghaling grand Winner. Ngunit, ang team ni Vice Ganda na kasama ang Miss Q and A queens at ang mga taong nakakaranas ng sakit na Alopecia ang naging kampeon.

Matatandaang nagsimulang makilala si Ryan ng publiko ng sumali ito sa Pinoy bIg Brother: Teen Clash of 2010 kung saan siya ay napabilang sa mga runner up.

Marami namang tagahanga ni Ryan ang nagreact at nagkumento sa pahayag na ito ni Karylle. Narito ang ilan sa mga kumento ng netizens,

“Hinting this so early is saddening… I’ve loved Ryan so much through the years… he has learned so much, experienced a lot through this show and its sad if he has to leave as well..but we’ll see.”

“Best of luck Ryan! You deserve it and we’re very happy for you and for Karylle. Nakakatouch and nakakaproud ka for giving that unforgettable moment for Ryan. You will be blessed for having such a genuine heart.”



“Bali-balita kasi na may project siya sa Korea at baka ilang taon siyang mawawala. Ryan Bang is one of the cutest and charming hosts ng It’s Showtime.”

error: Content is protected !!