Connect with us

Entertainment

Rumored Couple na Sina Bea Alonzo at Dominic Roque, Magkasamang Dumalo sa Baby Shower ni Beth Tamayo sa San Francisco, California

Marami sa mga tagahanga ng aktres na si Bea Alonzo at aktor na si Dominic Roque ang natuwa matapos maispatan na magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo.

Noong nakaraang Hulyo 6 nang lumipad patungong US ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo, at naispatan naman na kasama nito ang rumored boyfriend na si Dominic Roque para magbakasyon. Sa airport pa lang ay namataan na ng kanilang mga tagahanga na sila’y magkasama bago pa man pumunta sa California.

Credit: Facebook | Image

Kahit na napabalitang magkasama sila sa kanilang bakasyon, ay hindi pa nasisilayang magkasama sa isang larawan sina Bea at Dominic. Maliban na lamang sa interaction sa comment section sa isang IG post ni Bea. Ngunit, nito lamang ika-18 ng Hulyo sa ginanap na baby shower para sa panganay na anak ng dating aktres na si Beth Tamayo na ginanap sa Lumina Residences sa San Francisco, California ay nasilayan sa iisang litrato sina Bea at Dominic.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Beth Tamayo ay Tita ni Dominic. Ang dating aktres ay ipinagbubuntis ang panganay na anak nito sa kanyang asawang si Adam Hutchinson. At para sa nalalapit na pagsilang ni Beth sa kanyang panganay na anak ay isang baby shower ang kanilang isinagawa, kung saan nga ay imbitado ang kanyang pamangkin na si Dominic.

Sa isang Instagram post na ibinahagi ng kaibigan ni Beth na nagngangalang Fanny Zha nito lamang ika-18 ng Hulyo, ay makikita magkasama sa iisang litrato ang rumored couple na sina Bea at Dominic.

Credit: Fanny Zha | Instagram

Ang nasabing post ay nilakipan naman nito ng caption na,“Can’t wait to meet you, Baby Hutchinson.”

Sa isang post ni Fanny ay makikita kasama nito ang kanyang pamilya at sina Bea at Dominic. Matapos makita ang kanilang larawan na magkasama ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang nga tagahanga nina Bea at Dominic na kilala rin sa tawag na BeaDom, na ire-post ang larawan nilang dalawa at agad na kumalat sa social media. May ilan pa nga na nang-crop ng kanilang larawan, at tanging mukha na lang ni Bea at Dominic ang naiwan.

Credit: Facebook | Image

Sa isang post na video naman ng tagahanga ng BeaDom ay makikita na aliw na aliw si Bea habang pinapanood ang paglalaro ng baloon game ng iba pang bisita kasama si Dominic.

Samantala, matatandaan na noong Marso 18, nang unang ibahagi ni Beth sa isang panayam ang kanyang pagsuporta sa kanyang pamangking si Dominic at sa anumang namamagitan sa kanila ng aktres na si Bea Alonzo.

“Happy naman ako, happy ako for them. Basta happy siya, happy ako.”

Credit: Facebook | Image

Humanga naman si Beth kina Bea at Dominic dahil sa kabila ng samu’t saring espekulasyon, ay nananatiling tahimik ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

“For me, I think it’s the mature way to handle it. Hayaan…Kumbaga, I think they’re very, very confident and they’re happy wherever it is in a relationship… kung nasa’n man sila ngayon, and okay na yun. Basta you’re not admitting anything, you’re not also denying anything.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by nikki (@nikbey_couple)

error: Content is protected !!