Connect with us

Entertainment

Rumored Celebrity Couple na sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos, Nakitang Sweet na Sweet sa Birthday Celebration ng Aktor

Ilang taon din ang lumipas nang maging mas pribado ang buhay ni John Lloyd Cruz kasama ang kaniyang anak na si Elias at ang kaniyang dating nobya na si Ellen Adarna ngunit sa ngayon ay nagbalik na ang kilalang aktor sa mundo ng showbiz. At dahil isa nga si John Lloyd sa pinakamagagaling na aktor ng kaniyang henerasyon, hindi naging mahirap ang kaniyang pagbabalik.

Sa katunayan, isa siya sa cast ng sitcom na Happy ToGether sa GMA network. Kasabay ng show na ito, pinag-uusapan rin ngayon ang love life ng aktor.

Matatandaan na matapos ang balita ng naging paghihiwalay ni John Lloyd at ng kaniyang dating partner na si Ellen Adarna, sunod na naibalita noong nakaraang taon ang naging kasal nina Ellen at ng aktor na si Derek Ramsay.

Matapos nito, nagkaroon na rin ng usap-usapan tungkol sa kasalukuyang nobya ni John Lloyd na si Isabel Santos. Nagsimula ito nang mapansin ng ilang netizens ang mga litrato ni John Lloyd mula sa Instagram account ni Isabel.

Napansin rin ng ilang netizens na magkasama ang dalawa sa isang event, Disyembre noong nakaraang taon. Lalo ring pinaghinalaan ng mga netizens ang relasyon ng dalawa nang minsang ibinahagi ni Isabel ang isang larawan ni John Lloyd at ng anak nito na si Elias. Sa kabila nito, nananatiling tahimik ang dalawa at wala silang inilalabas na kumpirmasyon tungkol dito.

Photo credits: somethingstarwars | IG

Photo credits: somethingstarwars | IG

Ngunit noong nakaraang June 24 ay mayroong mga nailabas na larawan mula sa selebrasyon sa set ng kanilang sitcom. Makikita sa mga larawan na ito ang naging selebrasyon ng ika-39 na kaarawan ni John Lloyd sa set ng kanilang sitcom.

Bukod sa mga aktor at staff ng palabas, makikita rin dito ang anak ni John Lloyd na si Elias. Higit pa sa simpleng selebrasyon na ito, napansin ng netizens na naroon din si Isabel. May dala itong birthday cake na masaya namang tinanggap ni John Lloyd.

Napansin din ng netizens ang kilig at malakas na hiyawan ng mga aktor at staff nang halikan ni John Lloyd sa pisngi ang kaniyang rumored girlfriend.

Photo credits: imjaysongainza | IG

Bukod sa mga taong dumalo sa selebrasyon na ito, napakaraming netizens at fans ng aktor ang bumati sa kaniya sa social media. Maraming ispekulasyon din ang lumabas mula sa mga netizens kaugnay ng sinasabing relasyon ni John Lloyd at Isabel.

error: Content is protected !!