Ruffa Guttierez Nagbalik Tanaw Noong mga Panahong Kakapanganak niya palang sa Panganay na si Venice, “15 years, everything has changed”

Napakasayang balikan ang mga nakaraan at mga alaala ng nakalipas maging ang mga pangyayaring nagpabago sa ating mga buhay. Hindi man parating umaayon sa atin ang guhit ng tadhana masasabing anumang mga bagay ang dumating ang mahalaga ay haharapin natin ito ng walang takot at umaasang may pagbabagong darating.

Ito marahil ang hinarap ni Sharmaine Ruffa Gutierrez, isang aktres at beauty queen na sa murang edad ay naging teen star kung saan naging bahagi siya ng programang “That’s Entertainment . Samantala nasilayan din ang galing niya bilang artista sa mga pelikulang ‘Last 2 Minutes’ at ‘Tora Tora, Bang Bang’ noong taong 1990 at ‘Underage’ noong 1991.



At hindi kalaunan ay naging representative siya bilang Bb. Pilipinas sa prestihiyosong Miss World noong 1993 na ginanap sa South Africa kung saan inuwi niya ang karangalang Second Runner-up sa nasabing patimpalak.

Photo credits: Ruffa Guttierez Instagram

Nagbalik tanaw ang “Philippines’ Next Top Model” host noong panahong kakapanganak pa lamang niya sa panganay na anak na si Venice. At hindi naman nagtagal ay nagpakasal siya sa dating asawa na si Yilmaz Bektas.

Samantala, matatandaang hindi naging maganda ang kinahinatnan ng relasyon ng “My Monster Mom” actress sa asawang negosyante dahil sa pananakit nito sa kanya.

Sa isang panayam nga ay inamin niya na sobrang takot pa rin siya sa asawa kahit matagal na silang hiwalay at inaming nakaranas siya ng post traumatic stress disorder dahil sa mga naranasan noong nagsasama pa sila ng asawang Turkish.

Sa kabilang banda, hindi naging hadlang sa 45 na taong gulang na aktres ang masamang pangyayari na iyon bagkus naging daan pa iyon upang bumalik siya sa buhay showbiz. Bukod pa dun nagawa din niyang tahakin ang pagiging single mother sa mga anak na sina Lorin at Venice na ngayon ay mga dalaga na.



At ngayon nga ay muli niyang binalikan ang mga alaala ng nakaraan pero ngayon ay isang mas matatag na Ruffa na ang makikita,

“Oldie but a goodie Throwback to 2004, 15 years ago. Taken just a few months at home after giving birth to @venicebektas Everything has changed, yet i’m more me than I’ve ever been… #RuffasWorld”, caption pa ng Aktres.

Photo credits: Ruffa Guttierez Instagram
Photo credits: Ruffa Guttierez Instagram

Ilang malalapit na kaibigan at mga tagahanga ang nagpaabot ng mensahe sa aktres,

“missizacalzado Ganda mo talaga, Ate Ruffa!!! 😍”,
“aikomelendez Ganda mare :)”,
“janinegutierrez So pretty 😍”,
“dubaiangy I miss this time so much 💕”,
“samjie2715 You’re more than just a pretty face. You’re an incredible strong, intelligent woman as well and loving mom to your kids. @iloveruffag more blessings ❤️😍”.



Sa ngayon ay masasabing isa ng matatag na babae ang aktres at isang ina na handang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng kaniyang mga anak.