Connect with us

Entertainment

Ruffa Gutierrez, Pinatunayan Ang Pagiging Isang Responsable At Mapagmahal Na Ina Sa Kanyang Mga Anak Sa Kabila Ng Pagiging Single Mom

Hindi hadlang sa beauty-queen actress na si Ruffa Gutierrez ang pagiging isang single mom para maitaguyod at mapalaking maayos ang kanyang mga anak. Sa katunayan nga nito, ay napalaking mabuti ni Ruffa ang kanyang dalawang anak na ngayon nga ay pawang mga dalaga na.

Photo credits to the owner

Matatandaan na ikinasal si Ruffa sa kanyang asawang si Yilmas Bektas noong taong 2003. Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng dalawang babaeng anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran. Ngunit, hindi naman nagtagal ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nauwi sa hiwalayan noong 2007.

Photo credits to the owner

Naiwan mang luhaan sa pagkabigo sa pag-iibigan nila ni Yilmas, ay hindi naman nagpatinag si Ruffa sa lungkot. Bagkus nga ay ginawa niyang inspirasyon ang kanyang dalawang anak para patuloy na mamuhay ng masaya. At masasabi nga na sapat na para kay Ruffa sina Lorin at Venice para maging masaya sa buhay.

Kahit nga isang single mom, ay nanatiling matatag si Ruffa sa buhay para mapalaking maayos ang kanyang mga anak. Pinatunayan nga ni Ruffa na sa kabila ng kanyang pagiging isang single mom, ay isa siyang responsable at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak.

Photo credits to the owner

Dalawang responsibilidad man ang kanyang ginagampanan bilang ama at ina, ay hindi siya nagkukulang sa pagmamahal sa kanyang dalawang anak. Sa katunayan nga nito, ay hindi matatawaran ang pagmamahal at pagsuporta ni Ruffa sa kanyang mga anak.

Sa bawat milestone nga ng kanyang dalawang anak ay talaga g palagi siyang nakasubaybay at nakasuporta. At bilang isa ina ay talaga namang proud mommy si Ruffa sa bawat achievement nina Lorin at Venice.

Photo credits to the owner

Mkikita nga sa social media ni Ruffa na madalas niyang ibahagi ang milestone ng kanyang mga anak. At hindi maitatanggi sa bawat caption ng kanyang post kung gaano niya kamahal ang kanyang dalawang anak.

Makikita rin ang masasayang bonding moments nilang mag-iina sa mga larawan at video habang nasa bakasyon. Nakakatuwa ring pagmasdan ang kanilang kulitan sa kanilang mga Tiktok video.

Kamakailan lamang nga, ay ibinahagi ni Ruffa ang larawan nilang mag-iina kung saan isang nakakaantig na caption ang kanyang inilagay. Ayon nga kay Ruffa, ay palagi siyang nasa tabi ng kanyang mga anak para ipakita ang kanyang walang sawang pagmamahal at pagsuporta.

Photo credits to the owner

“I had a precious moment with my daughters this morning that ended with hugs, kisses, and tears. Always know that I am here for you and I will love you unconditionally no matter what.”

Photo credits to the owner

Ang panganay na anak ni Ruffa na si Lorin ay 18 taong gulang at nagsimulang nag-aral noong August sa United States sa economics program sa Pepperdine University sa Malibu, California. Habang si Venice naman ay 17 taong gulang noong nakaraang September 11, 2021.

error: Content is protected !!