Connect with us

Entertainment

Ruffa Gutierrez, Nagbigay ng Mensahe na Puno ng Payo at Bilin sa Kanyang Panganay na Anak na si Lorin Ngayong Nasa Legal na Edad na Ito

Ang cute na batang unang isinilang ng beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez na si Lorin Gabriella ay nasa legal na edad na at isa na nga ngayong ganap na dalaga. Nito lamang ika-3 ng Agosto nang masayang ipagdiwang ni Lorin ang kanyang 18th birthday.

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

At para nga batiin ang kanyang panganay na anak na si Lorin sa kaarawan nito, ay isang mensahe na puno ng pagmamahal at puno rin ng payo at bilin sa buhay ang ipinaabot ni Ruffa sa kanyang anak.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Ruffa ang napakagandang larawan ng kanyang panganay na anak na si Lorin kung saan sa caption nito ay mababakas ang pagmamahal at pangaral ng isang ina sa kanyang anak.

Bumungad muna ang pagbati ni Ruffa sa kaarawan ng kanyang anak na ngayon nga nasa legal na edad na. Ayon nga kay Ruffa, ay huwag umano itong magmadali sa buhay at mag-enjoy lang sa kabataan ngunit dapat umanong maging responsable rin ito sa anumang aspeto ng buhay.

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

“Today, you turn 18 years old. These are exciting times for you: just graduated high school, going to college, starting your career with vivaartistsagency, the opportunities coming your way are endless. Don’t be in such a hurry to grow up. Savour your youth. Yes, you’re officially an adult, but that definition means being responsible with all aspects of your life.”

Mababakas rin na talagang mahal na mahal ni Ruffa ang kanyang panganay. At bilang isang ina nga, ang tanging hangad ni Ruffa para sa kanyang anak, ay ang makakabuti rito. Kaya naman, ang kanyang mensahe ay punong-puno rin ng pangaral at payo para isabuhay ni Lorin sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang isang ganap nang dalaga.

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

At isa nga sa matinding bilin na hindi nakalimutan ni Ruffa sa kanyang panganay, ay huwag munang magkaroon ng boyfriend. At kapag raw handa na itong makipagrelasyon matapos ang 10 taon, ay dapat raw na tiyakin ni Lorin na isang mabuting lalaki na may respeto at may takot sa Diyos ang kanyang pipiliing makasama sa buhay. Dagdag pa ni Ruffa sa kanyang payo, ay huwag umanong pairalin ni Lorin ang kanyang puso, sa halip ay gamitin ang utak.

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

“Be a leader, not a follower. Chase your dreams, travel the world, pursue your goal of taking up law, be a good girl. HUWAG MUNA MAG BOYFRIEND (gosh, I sound like my mom). And if you decide to have one 10 years from now, CHOOSE WISELY. Be with someone who respects you and is GOD-FEARING. Don’t just follow your heart Lorin, use your brain.”

Sa huli ay ipinangako rin ni Ruffa na palagi siyang nakasuporta kay Lorin kasama ang kapatid nitong si Venice sa anumang landas na tatahakin nito.

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

“Choose to be kind and use your platform to be an inspiration to others. HAPPY 18!!!! Your family, venicebektas and I will always be here for you throughout every facet of your life. We love you so much.”

Samantala, katulad ng kanyang inang si Ruffa ay pumasok na rin sa showbiz si Lorin kung saan noong nakaraang buwan ng Mayo lamang ay pumirma na ng kontrata sa Viva Artists Agency.

error: Content is protected !!