Connect with us

Entertainment

Ruby Rodriguez, Isang Proud Mommy Sa Nakamit na Tagumpay ng Kanyang Anak na si Toni Aquino Matapos Makapagtapos ng Kolehiyo sa UP Manila

Ang tagumpay ng anak anuman ang marating sa buhay, ay tagumpay rin ng isang magulang. Isang napakalaking karangalan nga para sa isang magulang na makita ang nakamit na tagumpay ng anak na makapagtapos ng pag-aaral lalo na sa kolehiyo. Dahil nga, ang edukasyon ay isang kayamanan na itinuturing na siyang nagsisilbing pamana ng mga magulang sa kanilang anak, na hindi kailanman makukuha ng iba.

At kapag na nangyari nga ang inaasam na tagumpay, ay tiyak na walang pagsidlan ng kaligayahan ang isang magulang dahil ang lahat ng sakripisyo at paghihirap para sa anak ay nagbunga na. Kaya naman, ang TV host-comedienne actress na si Ruby Rodriguez, ay isang proud mommy ngayon sa nakamit na tagumpay ng kanyang dalagang anak matapos makapagtapos sa napiling kurso nito sa kolehiyo sa kilalang unibersidad sa bansa, ang UP Manila.

Photo credits: Ruby Rodriguez | IG

Dahil sa tagumpay na ito, hindi lamang ng kanyang anak kundi tagumpay rin niya bilang isang magulang, ay nagpaabot ng espesyal na mensahe si Ruby sa kanyang anak na si Toni Aquino, na idinaan niya sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Photo credits: Ruby Rodriguez | IG

Isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Ruby kay Toni na naglalaman ng kanyang pagbati kung saan mababakas ang kanyang labis na kaligayahan. Kalakip naman ng mensahe ni Ruby sa kanyang anak, ay ang graduation photo nito.

“Its so official!!!! Congratulations @ninichips Im so proud of you. Its Virtual Grad #newnormal Can’t wait to see you Miss you so much. I love you babe”, pahayag ni Ruby sa kanyang post.

Photo credits: Ruby Rodriguez | IG

Sa kabila nga ng nararanasang pandemya sa bansa kung saan ay nahaharap ang karamihan sa matinding krisis at new normal, ay maituturing na isang magandang biyaya naman ang pagtatapos ni Toni sa kolehiyo.

Talaga namang proud mommy si Ruby sa kanyang napakaganda at matalinong anak na si Toni. Sa UP Manila nagtapos si Toni na napilili nitong kurso na BA Social Science. At hindi basta-basta ang paaralang pinasukan ng dalaga upang matupad ang pangarap dahil isa lang naman ito sa mga kilala at prehistiyosong unibersidad sa bansa.

Photo credits: Ruby Rodriguez | IG

Samantala, may ipinaabot namang mensahe para sa kanyang sarili si Toni, kung saan ay hindi nga halos makapaniwala na nagawa na niyang tuparin ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ng kolehiyo.

“I am surprised you even graduated – me to myself, but hey, I did it”, ani Toni

Photo credits: Ruby Rodriguez | IG

Tunay nga na isang mapagmahal at responsableng magulang ang Eat Bulaga host na si Ruby sa kanyang mga anak na kung saan ay hindi maikakaila na napalaki niyang maayos at mabubuting tao. Ang anak ni Ruby na sina Antonio Jesus at Antoinette Aquino, ay hindi lamang nga matatalinong estudyante sa kanilang paaralan, kundi mapagmahal ring mga anak sa kanilang magulang.

error: Content is protected !!