Connect with us

Stories

Roxanne Ginoo Buhay Reyna at may Masayang Pamilya Pagkatapos Iwan ang Pag-Aartista

Published

on

Nagsimulang makilala sa show business si Roxanne Ginoo noon 2004 ng sumali ito sa programa ng ABS-CBN na Star Circle Teen Quest kung saan naging kalove team nito SI Joross Gamboa at binansagan ang tambalan nilang JOROX.

Nabalita ding nagkaroon ng relasyon ang dalawa noong 2004 hanggang 2006 at kalaunay naghiwalay. Taong 2007 ng mabalita na may relasyon si Roxanne at ang kapartner nito sa Sineserye Presents: Natutulog ba ang Diyos na si Jake Cuenca pero tulad ng relasyon nito kay Joross hindi din sila nagtagal ni Jake.



Pagkatapos ng Star Circle ay naging sunod sunod na din ang proyekto na natatangap ni Roxanne tulad ng mga pelikula at mga teleserye kung saan nga ay naging katambal nya ang kanyang dating mga nobyo na si Joross at Jake. Nagkaroon din ng mga proyekto si Roxanne sa ibang TV network tulad ng GMA-7 at TV 5 pero taong 2015 ay nagdesisyon siyang bumalik sa ABS-CBN.

Habang maganda ang takbo ng karera ni Roxanne bilang artista, taong 2011 ay nagpakasal noo’y kasintahan niyang si Angelo Elton Yap na pinsan naman ni Tim Yap. 24 taong gulang palang si Roxanne at 21 naman si Elton ng sila ay ikasal dahilan para ang kanilang kasal ay umugong sa idustriya ng show business. Marami ang nanghinayang kay Roxanne ng iwan nito ang pag-aartista dahil nga kasagsagan pa ng kanyang karera ng mga panahong iyon.

Photo credits: roxanneguinoo | Instagram     

Sa ngayon ay may tatlo silang anak ni Elton na nagngangalang Sophia, Reine and Reilly. Marami ang nagsabi na mas lalong gumanda si Roxanne ng siya ay magkaroon ng anak patunay na rin na tama ang desisyon nyang piliin ang pamilya kaysa sa kanyang karera noon.

Photo credits: roxanneguinoo | Instagram

Photo credits: roxanneguinoo | Instagram

Marami din ang nagsasabi na mas gumanda ang kinalalgyan ni Roxanne ngayon at tila buhay reyna ito dahil lagi itong nagta-travel sa ibat-ibang bansa kasama ang kanyang buong pamilya.

Photo credits: roxanneguinoo | Instagram



Photo credits: roxanneguinoo | Instagram

Photo credits: roxanneguinoo | Instagram

Photo credits: roxanneguinoo | Instagram

Paminsan minsan naman ay naggi-guest din si Roxanne sa ibat-ibang shows tulad ng Magandang Buhay at kamakailan lang ay gumanap ito sa MMK kasama ang dati nitong katambal na si Joross Gamboa.



Minsan dumadating talaga tayo sa punto na kailangan nating pumili sa mga bagay na pareho nating gusto. Sana lang marami sa atin ang maging kagaya ni Roxanne na tama ang mapiling desisyon buhay.

error: Content is protected !!