Connect with us

Entertainment

Roxanne Barcelo, Isinilang na ang Kanyang Cute at Malusog na Baby Boy

Isa nang ganap na ina ngayon ang aktres at singer na si Roxanne Barcelo. Nito lamang ika-7 ng Hunyo nang ianunsiyo ni Roxanne na ligtas niyang naisilang ang panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz husband at ito nga ay isang malusog na baby boy.

Sa Instagram story, ay ibinahagi ni Roxanne ang larawan nilang mag-ina habang karga-karga niya ang kanyang new born baby. Ang napakaganda sa mga matang pagmasdang larawan nilang mag-ina, ay nilakipan niya ng caption na:

Credit: Roxanne Barcelo | Instagram

“Here’s to the rest of our life.”

Maliban sa nasabing larawan, ay wala ng ibang detalyeng ibinigay ang aktres tungkol sa kanyang panganganak katulad ng petsa at pangalan ng kanyang anak. Ngunit, makikita sa suot-suot niyang hospital gown, na sa Makati Medical Center niya ipinanganak ang kanyang panganay.

Hindi man nagbigay detalye, ay makikita naman kung gaano kasaya si Roxanne sa pagdating ng kanyang anak sa buhay nila ng kanyang asawa. Tiyak na ang kanilang munting anghel ang magbibigay saya at kulay sa kanilang buhay.

Credit: Roxanne Barcelo | Instagram

Sa ngayon, ay nananatili ring pribado ang buhay pag-ibig ni Roxanne, at hanggang ngayon ay hindi pa niya sininasapubliko ang katauhan ng kanyang asawa. Matatandaan na noong nakaraang taon, buwan ng Disyembre ng gulatin ng 36 taong gulang na aktres ang publiko, matapos niyang ianunsiyo na siya’y ikinasal na sa kanyang non-showbiz husband. Hindi rin nagbigay ng buong detalye si Roxanne kung saan ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib.

At noong Enero 21, 2021 naman nang ianunsiyo ng aktres ang kanyang pagbubuntis sa panganay nilang anak sa pamamagitan ng isang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel. Sa nasabing vlog ay sinabi ni Roxanne, na akala raw nilang mag-asawa ay taon pa ang bibilangan bago sila magkaanak, dahil iyon umano ang sabi ng kanyang OB, kaya naman, laking tuwa nila nang biyayaan agad sila ng baby.

Credit: Roxanne Barcelo | Instagram

“Mga badidap, I wanted tro share with you all that I’m preggo. So, ang iniisip namin ng husband ko was that it would take us a year kasi yun yung sabi ng OB-gyne. Iyon, so, it didn’t take that long.”

Samantala, noong nakaraang buwan ng Abril, nang ibunyag naman ni Roxanne ang gender ng sanggol na kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan, at ito nga ay isang baby boy.

Credit: Roxanne Barcelo | Instagram

Matatandaan naman sa isang panayam sa “I Feel U” na sinabi ni Roxanne na mahilig talaga siyang magbahagi ng kanyang buhay sa publiko, ngunit sa pagkakataong ito ay humihingi siya ng kaunting privacy lalo na sa kanyang buhay may-asawa. Nais ng aktres na magbahagi ngunit paunti-unti lamang.

“Alam naman ng lahat ng tao na I like to share too much. I always like to share. But this time, I really have to respect his decision to stay private.”

“I’m hoping one day dahan-dahan na pwedeng kahit boses man lang, pa-Big Brother ang peg.”

error: Content is protected !!