Connect with us

Entertainment

Roxanne Barcelo, Ibinahagi sa Publiko ang Cute and Adorable Photos ng Kanyang Baby Boy Para sa 1st Month Celebration Nito

Sa unang pagkakataon magmula ng isilang ng singer-actress na si Roxanne Barcelo ang kanyang panganay na anak, ay ibinahagi na niya sa publiko ang napakacute at maamo nitong mukha.

Nito lamang Linggo, ika-27 ng Hunyo, ay masayang ibinahagi ni Roxanne sa Instagram ang cute and adorable photos ng kanyang baby boy na pinangalanan nila ng kanyang asawa ng Cinco. Ang mga nasabing larawan, ay para sa milestone ni Baby Cinco kung saan ay masayang ipinagdiwang ang kanyang 1st month celebration.

“Our son at 1 month – 5 weeks. Swipe to the end to see how Papa Panda kept @dababycinco from crying,”caption ni Roxanne sa kanyang post.

Maliban sa mga 1st month photos ni Baby Cinco, ay may mga larawan ring kuha noong siya’y 5 weeks old na. Makikita naman sa mga larawan ang nag-uumapaw na ka-cutan ni Baby Cinco. Marami naman sa mga kaibigan ni Roxanne ang nagpaabot ng pagbati sa panibagong milestone ng kanyang panganay na anak. Ang ilan naman sa kanila ay talagang humanga sa taglay na kacutan ni Baby Cinco.

Makikita naman sa caption ni Roxanne, na isinilang niya ang kanyang napakacute na baby boy noong May 22 na kanya namang inanunsiyo sa publiko noong nakaraang buwan ng Hunyo. At matapos nga manganak ng 36 taong gulang na singer-actress ay sinabi nito, na nais niyang ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang kanyang birthing journey, ngunit kailangan muna niyang magpagaling para sa kanyang pamilya.

Masaya ring ibinahagi ni Roxanne ang kanyang kaligayahan sa pagdating ng kanilang panganay na anak ng kanyang non-showbiz husband.

“Blessed to now go through life with my husband and best friend. I say he needs a vacation, but he says he just wants to be with me and the baby.”

“I waited all my life to be a wife and mother and now I am fully humbled by this truth: As they all say, it’s not easy, BUT it is all worth it.”

Samantala, matatandaan na unang isinapubliko ni Roxanne ang kanyang pagbubuntis noong nakaraang buwan ng April. Matatandaan naman na noong nakaraang buwan ng Disyembre, sa Christmas day, ay marami ang nagulat matapos isapubliko ni Roxanne na siya ay ikinasal na sa kanyang non-showbiz husband.

Matapos ibahagi ang larawang kuha sa seremonya ng kanilang kasal, ay hindi nagbigay ng anumang detalye ang singer-actress kung saan naganap at kung kailangan naganap ang kanilang pag-iisang dibdib. Hindi rin nagbigay ng kahit anong detalye si Roxanne tungkol sa identity ng kanyang napangasawa.

“He said he wants to start a family with me. It was such a beautiful moment because he asked twice. He actually asked me a few months after quarantine pero dahil naka-lockdown pa nun, all we knew was that we were going to get married before the year ends.”

“Totoo pala yung when you know, you know. I knew from the start na siya yung para sa akin. I am taken! He is worth the wait.”

error: Content is protected !!