Connect with us

Entertainment

Ronnie Liang, Ipinagpatuloy ang Kanyang Pag-aaral Para Makamit ang “Master’s Degree sa Management Major in National Security and Administration”

Tunay nga na ang pagtupad sa mga pangarap ay walang hangganan, dahil hangga’t kaya at may panahon pa ay hindi tayo titigil hanggang sa makamit ang inaasam nating pangarap.

Credits: Ronie Liang | Instagram 

Katulad na lamang nga ng singer na nagpasikat ng kantang “Ngiti”na si Ronnie Liang, na hindi na mapigilan pa ang patuloy na pag-abot sa kanyang mga pangarap.

Matapos nga makamit ang pangarap na maging isang licensed pilot, ay isa na namang pangarap ang nais tuparin ni Ronnie. At ito ay ang matupad ang pangarap na makapagtapos ng kanyang master’s degree in Management.

Credits: Ronie Liang | Instagram 

Nito lamang ika-10 ng Agosto ay masayang ibinahagi ni Ronnie sa kanyang Instagram account ang bagong landas na kanyang tatahakin bilang isang estudyante. Nitong araw nga ng Martes, ay ibinahagi ni Ronnie na siya ngayo’y naka-enroll na sa Philippine Christian University para makamit ang inaasam niyang master’s degree in Management, kung saan nga ay major niya ang National Security Administration.

Sa kanyang IG post, ay ibinahagi ng singer ang larawan ng kanyang school I.D, at inilakip ang caption kung saan mababasa ang magandang balita sa bagong journey na kanyang tatahakin. Ayon pa nga kay Ronnie, ang pagdagdag ng kaalaman ay walang hangganan.

“1st semester is almost over! Taking my Masters Degree, Major in National Security & Administration. Truly Learning has No boundaries, Learning has No Limits.”

Credits: Ronie Liang | Instagram 

Matapos naman ipost ni Ronnie sa kanyang IG ang kanyang bagong goal, ay nagkaroon naman ng pagkakataon ang Pep.ph, na mainterview ang singer nito lamang ika-11 ng Agosto. Sa nasabing panayam ay ibinahagi ni Ronnie na ngayong panahon ng pandemya ay mas lalo niyang na-realize ang kahalagahan at benepisyo ng patuloy na pagdagdag kaalaman at matutunan ang mga bagay na wala pa siyang alam.

“May mga realization ako nung nagkaroon ng pandemic. One is the importance of education. I said to myself na kailangan kong matuto pa—mga bagay na hindi ko pa alam. That’s why I took the chance na mag-enroll.”

Sa kabila ng busy schedule ni Ronnie, ay masaya naman siya dahil may nakalaan siyang araw para maisingit ang kanyang online class.

Credits: Ronie Liang | Instagram 

“God is good because I have my Saturday na pwede kong isingit ang online school. For now, Ronnie is attending online classes every Saturday, from 1 p.m. to 5 p.m.”

Umaasa naman si Ronnie, na sana raw ay mainspire niya rin ang iba na ipagpatuloy ang pag-aaral para makamit ang inaasam na pangarap.

Credits: Ronie Liang | Instagram 

“We really should value education. Habang may oras ka pa, learn and study. I’m doing this to improve myself and also to inspire others na rin na hindi hadlang ang pandemic upang matuto. There are available online classes na puwede nilang subukan.”

error: Content is protected !!