Connect with us

Entertainment

Ronnie Alonte, Ipinasyal ang Kanyang Mga Tagahanga sa Kanyang Napakagandang Man Cave na May Mini Dance Studio

Nito lamang ika-8 ng Hulyo kasama ang kanyang girlfriend na si Loisa Andalio, ay masayang ipinasilip ng miyembro ng grupong Hashtags na si Ronnie Alonte ang kanyang man cave sa bahay nila sa Laguna.

Sa vlog na mapapanood sa kanilang YouTube Channel, ay ipinasyal ng magkasintahan ang kanilang mga tagahanga sa man cave ni Ronnie na bukod sa maganda ay tiyak na mag-eenjoy rin dito ang bibisita. Ang man cave na ito ng aktor ay nagsisilbi ring tambayan at pahingahan kasama ang kanyang mga kaibigan.

Photo credits: LoiNie TV | Youtube

May basketball court na sa labas ng bahay nina Ronnie, kaya naman naisip niyang gawing man cave ang bakanteng espasyo sa kanilang bahay. At ito nga ang basement ng kanilang bahay na dating storage room na ginawa niyang man cave na tila naman naging isang activity area sa dami ng maaaring gawin.

Pagpasok nga sa loob ay makikita na malawak ang espasyo nito kung saan bubungad rin ang mga bagay na maaaring paglibangan. Ayon naman kay Ronnie, ay hindi pa tapos ang pagpapagawa ng construction nito, dahil inuunti-unti nila ang pagpapagawa hanggang sa matapos.

Photo credits: LoiNie TV | Youtube

Photo credits: LoiNie TV | Youtube

Photo credits: LoiNie TV | Youtube

Makikita nga rito ang isang arcade machine na Daytona USA 2 na regalo umano sa kanya ni Kris Aquino. Sa nasabing vlog ay pinasalamatan ni Ronnie si Kris at maging ang anak nitong si Bimby. Maliban sa Daytona USA 2, ay may ibinigay rin si Kris kay Ronnie na Time Crisis II na talaga namang angkop sa kanyang man cave para mapaglibangan.

Photo credits: LoiNie TV | Youtube

Photo credits: LoiNie TV | Youtube

May sariling rin bilyaran ang man cave ni Ronnie at may nakahanda ring area para sa mga nais maglaro ng table tennis. Tila naman nakahanda talaga ang man cave ni Ronnie para sa mga indoor activities dahil may sarili rin itong CR at shower area na talaga namang napakalawak kung saan ay kasya ang kanyang buong barkada.

Photo credits: LoiNie TV | Youtube

Photo credits: LoiNie TV | Youtube

May bar area rin dito kung saan ay maaari nga silang maghappy-happy kasama ang kanyang mga kaibigan. Makikita naman ang magandang interior design sa man cave ni Ronnie na kahanga-hangang doodle na idinesenyo ng kanyang mga kapatid.

Ipinakita rin ng magkasintahan ang mini dance studio ni Ronnie sa kanyang man kung saan ay maaari nga silang magbonding sa pagsasayaw. Makikita naman rito ang drum set na ayon kay Ronnie ay display lamang. Maliban naman sa mga maliliit na kotseng nakadisplay sa loob ng man cave ni Ronnie, ay may makikita ring mga maliliit at magagarang motorsiklo rito.

Photo credits: LoiNie TV | Youtube

Masaya naman ang magkasintahan dahil nagawa nilang mapaganda ang dating storage area na ngayon nga ay man cave na ni Ronnie. Proud naman si Loisa sa kanyang boyfriend, dahil marami itong mga bagay na naipundar na bunga ng pinagsikapan at paghihirap nito sa industriya ng showbiz.

error: Content is protected !!