Connect with us

Entertainment

Rodjun Cruz At Diane Medina, Ipinasilip Ang Kanilang Bonggang Tahanan

Published

on

Sa pagsisimula sa pagtupad ng pangarap natin sa buhay, mas masarap at masayang gawin ito kung may kaagapay at katulong ka sa pagtupad nito.

Photo Credit: Rodjun Cruz Instagram




Mas magkakaroon ka ng gana at inspirasyon sa pag-abot ng mga pangarap kung hindi ka nag-iisa. Bilang paghahanda sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay, kasama na ang pagkakaroon ng masayang pamilya ay kailangan itong paghandaan at pag-isipang mabuti.

Photo Credit: Rodjun Cruz Instagram

Kaya naman ang magkasintahan na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ay talaga namang handang-handa na para sa kanilang hinaharap dahil bago pa man ganapin ang kanilang kasal ay nakapagpatayo na sila ng kanilang pinapangarap na tahanan. Ang kanilang “team work” at pagtutulungan ang dahilan kung bakit nila natupad kaagad ang kanilang pangarap bago pa man ganapin ang kanilang kasal.

Photo Credit: Rodjun Cruz Instagram




Matatandaan na noong nakaraang taon buwan ng Disyembre nang magpakasal ang matagal ng magkasintahan na Rodjun Cruz at Diane Medina. Ang relasyon ng dalawang magkasintahan na ito ay inabot ng sampung taon mahigit bago sila tuluyang nagpakasal.

Photo Credit: Rodjun Cruz Instagram

Ibinahagi ng dalawa na dalawang taon silang engage bago sila tuluyang nagpakasal dahil ninais nila na makapapundar muna sila ng tahanan upang sa pagsisimula ng kanilang bubuuin na pamilya ay mayroon na silang tahanan na kanilang titirhan.

Photo Credit: Rodjun Cruz Instagram

Sa Instagram post ni Rodjun, ibinahagi niya ang bunga ng pagtutulungan ng kanyang kasintahan upang maabot ang kanilang pangarap ng magkasama.

“Team work makes the dream work!??? Congrats to us my fiancee’ in a few days my wife. Thank you Lord for blessing us more than we deserve ❤?”

Saad ni Rodjun sa kanyang IG post.

Photo Credit: Rodjun Cruz Instagram




Napakalaking bagay ang pagkakaroon ng team work kahit saang larangan ng ating buhay. Sabi nga nila “no man is an island”, o walang sino man ang kayang mabuhay ng mag-isa. Masasabi nating makakaya mong mag-isa pero hindi sa lahat ng oras ay kakayanin mo dahil darating at darating ang araw na mangangailangan ka talaga ng tulong ng iba. Napakalaking bagay rin ang magkaroon ng team work dahil mas napapadali nito ang mga bagay na dapat mong gawin.

Photo Credit: Rodjun Cruz Instagram

Ang magkasintahang Rodjun at Diane ay ginamit ang “team work” upang mas madali nilang maabot ang kanilang mga pangarap, kasama na rito ang isang tahanan kung saan sila titira kasama ang kanilang mga magiging anak. Kaya naman bago pa man sila pumasok sa panibagong yugto ng kanilang buhay ay handang-handa na sila sa pagbuo ng isang pamilya. Inilaan nila ang mga oras na habang magkasintahan sila ay mga oras rin kung saan magkasama at nagtutulungan silang makapagpundar ng kanilang tahanan.

Photo Credit: Rodjun Cruz Instagram

Ang kanilang dream house bukod sa napakalaki nito ay may swimming pool narin at may sariling gym pa.




Sadyang kahanga-hanga ang kanilang naging pagtutulungan upang maabot ang kanilang pangarap ng magkasama na talagang pinag-isipan at pinag-planuhang mabuti bago sila lumagay sa tahimik.

error: Content is protected !!