Connect with us

Entertainment

“Robin is big on benefits”: Mariel Padilla, Ibinahagi ang Sekreto ng Kanilang Magandang Relasyon sa Kanilang mga Kasambahay

Sa panahon ngayon, napakahirap nang makahanap ng mga empleyado na mapagkakatiwalaan lalo na sa pag-aalaga ng iyong mga anak at sa pamamahala ng iyong bahay.

Dahil dito, talagang napakaswerte ni Mariel at Robin na nagkaroon sila ng mga empleyado na matagal na nilang pinagkakatiwalaan. Swerte rin ang mga empleyado na ito at nakahanap sila ng pamilyang tinatrato sila nang tama.

Photo credits: Mariel Padilla | Instagram

Kwento ni Mariel, mayroon silang pitong empleyado at lahat sila ay matagal nang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Sa katunayan, ang kaniyang driver ay naninilbihan na sa kanila simula noong second year high school siya samantalang ang ilan pa nilang kasambahay ay nagtatrabaho na rin sa kanila nang ilang taon.

Ayon kay Mariel, wala siyang ideya kung paano pinamamahalaan ng ibang pamilya ang kanilang mga empleyado ngunit para sa kanila ni Robin, sinisiguro nilang nabibigyan ang mga ito ng sapat na sahod, benepisyo, at paminsan-minsang regalo,

“Robin is big on benefits.”

Photo credits: Mariel Padilla | Instagram

Dahil dito, sigurado ang mag-asawa na masaya rin ang kanilang mga empleyado kaya naman talagang nagtatagal sila rito.

Matatandaang taong 2020 nang sorpresahin ni Mariel at Robin ang kanilang mga kasambahay ng isang apartment. Talaga namang napakaswerte nila rito lalo na at maaari din itong maging karagdagang tulong sa kanila. Isa rin sa mga benepisyong natatanggap ng kanilang mga kasambahay ay ang oportunidad na makasama sa kanilang bakasyon sa ibang bansa.

Photo credits: Mariel Padilla | Instagram

Ayon kay Mariel, ang isa sa kanilang mga kasambahay ay naisama na nila sa Europe, America, at sa kanilang pinakahuling bakasyon sa Spain. Dagdag pa niya, nararapat lamang na maranasan din nila ang paglalakbay sa ibang bansa. Bukod sa mga regalo at benepisyo, binibigyan rin nila ng sapat na pahinga ang kanilang mga empleyado.

Dahil nga matagal na nilang kasama ang kanilang mga empleyado, hindi lamang sina Mariel at Robin ang nagtitiwala sa mga ito. Maging ang kanilang mga anak ay napamahal na rin sa kanilang mga yaya.

Sa katunayan, inakala ni Mariel na maninilbihan lamang ito ng dalawang taon ngunit ang kaniyang anak na si Isabella mismo ang nagsabing nais niya itong makasama hanggang sa siya ay magdalaga. Patunay ito na talaga namang napakaganda ng relasyon ng pamilya ni Mariel at Robin sa kanilang mga kasambahay.

error: Content is protected !!