Connect with us

Entertainment

Rita Gaviola o Mas Kilala Bilang Badjao Girl, Pinagkaguluhan Ang Taglay Na Kagandahan Matapos Sumali Sa Sexy Babe Ng It’s Showtime

Maraming manonood ang pina-wow ng angking kagandahan ng tinaguriang “Badjao Girl” na si Rita Gaviola matapos sumali sa segment ng It’s Showtime na Sexy Babe nito lamang Huwebes ika-17 ng Pebrero.

CREDITS: Showtime| YT

Muling pinatunayan ni Badjao Girl, ang kanyang nagnining na kagandahan sa noontime show na It’s Showtime kamakailan lamang. Agaw pansin naman talaga ang natural na ganda ni Badjao Girl, na kung pagmamasdan nga ang malaki ang pinagbago nito magmula nang mag-viral siya noon. Sadyang napakaganda na ngayon ni Badjao Girl at talaga namang kahanga-hanga rin ang husay sa pagrampa.

CREDITS: Showtime| YT

Pinatunayan nga ni Badjao Girl na hindi lamang sa pagrampa siya may ibubuga dahil pati na rin pagsagot ng katanungan ay ipinamalas rin niya ang kanyang husay. Dahilan nga kung bakit siya ang itinanghal at nagwaging Sexy Babe.

CREDITS: Showtime| YT

Ayon naman kay Rita, kaya siya sumali sa nasabing patimpalak ng It’s Showtime, ay nais niyang patunayan at ipagmalaki sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino, o ng isang Badjao.

CREDITS: Showtime| YT

“Gusto ko ipakita sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Badjao.”

Ibinahagi rin ni Rita sa patimpalak na nais rin niyang maging ehemplo sa iba pang Badjao na kagaya niya para magkaroon sila ng kumpiyansa sa sarili. Naikwento rin ni Rita na bilang isang Badjao, ay nakaranas siya ng panghahamak at pangmamaliit mula sa ibang tao. Dahil marami nga nag-iisip na ang mga katutubong Badjao ay mahihirap.

CREDITS: Showtime| YT

At sa kanyang pagsali nga sa Sexy Babe ng It’s Showtime suot ang two-piece swimsuit habang rumarampa, at nasagot rin nang maayos ang katanungan, ay hindi naman talaga maipagkakaila na ang isang Badjao na katulad ni Rita ay dapat ipagmalaki at hangaan. Hindi lamang ito, dahil bukod sa kanyang panlabas na kagandahan, ay napakabuti rin ng puso ni Rita na ang tanging hangad ay makatulong sa kanyang mga magulang.

CREDITS: Showtime| YT

Matagal nang pangarap ni Rita ang maging isang beauty queen, at kung papalarin nga ay nais niya ring patunayan ang kanyang sarili sa Miss Universe pageant. Ngunit, ngayon nga ay natupad na ni Rita ang pangarap niyang maging isang beauty queen, hindi man bilang Miss Universe, kundi bilang Sexy Babe ay hindi naman maikakaila na pinabilib at pinahanga niya ang maraming manonood.

CREDITS: Showtime| YT

Matatandaan na si Rita Gaviola ay nakilala ng publiko matapos mag-viral ang kanyang larawan na kuha sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon noong 2016, kung saan nga ay masisilayan ang kanyang natural na kagandahan. Mas lalo naman siya’y nakilala ng publiko matapos niyang maging teen housemate ng Pinoy Big Brother Season 7 kung saan nakasama niya ang aktres na si Maymay Entrata.

error: Content is protected !!