Connect with us

Entertainment

Rico Blanco, Ibinunyag Sa Publiko Kung Paano Siyang Napaibig Ng Kanyang Nobyang Si Maris Racal

Ang singer-song writer na si Rico Blanco ay talaga namang masaya sa piling ng kanyang nobyang si Maris Racal. Parehong mundo ang ginagalawan nina Rico at Maris, kung saan nga maliban sa pagiging mahusay na artista, ay pareho rin silang singer at manunulat ng kanta. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung ang kanilang pagkakaibigan ay mauwi sa isang romantikong relasyon.

Photo credits: Rico Blanco | IG

Kamakailan lamang nga, ay ibinunyag ni Rico sa publiko kung paano siya nahulog at napaibig ng kanyang nobyang si Maris. Matatandaan na nagtatatlong taon na mula ng magcollab ang dalawa para sa isang single na “Abot Langit” at nasundan pa ng ibang kanta tulad ng ” Ate Sandali” and “Asa Naman” noong nakaraang Setyembre.

Photo credits: Rico Blanco | IG

Noong una ay sinabi ni Rico na wala siyang romantikong nararamdaman para kay Maris. At sino ngang makakapagpigil kung puso na ang magpasya, nagsimulang nagkagusto ang singer sa All in PBB housemate sa kanilang first acting project na “The Goodbye Girl”.

Bagama’t malaki ang kanilang age gap, kung saan nga 25 taon ang agwat ng edad ni Rico kay Maris ay walang takot na hinayag ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko noong nakaraang taon.

Photo credits: Rico Blanco | IG

Ayon nga kay Rico,“Hindi naman ako nagtatago ng anything. We were trying to find out, kami ni Maris, sometime ago how did it happen. Parang little by little lang. Definitely not the first time I met her. Definitely not when we were working on the song and recording. I take pride kasi in my professionalism in the studio and no matter if I think the person that I’m working with is attractive or not, or even on the set when I’m doing acting, I take pride in my professionalism. So wala eh. I think it was sometime after we were done working on the song. Sa mga talks namin siguro. Nagkakamustahan kami. DM yata, parang ganun”.

Inamin rin ni Rico na ang pagkamasiyahin ni Maris ay isa sa mga dahilan kung bakit niya ito minahal. Pagkatapos ang pagsasapubliko ng kanilang relasyon ay samu’t saring komento at reaksyon ang kanilang natanggap mula sa madla.

Hindi lamang nga positibong komento ang kanilang natanggap mula sa madla, dahil may ilan ring negatibong komento silang natanggap. Ngunit, sa kabila nga nito ay pinatunayan nila ang kanilang tunay at wagas na pagmamahalan.

Photo credits: Rico Blanco | IG

Ibinahagi rin ni Rico kung gaano karesponsable si Maris bilang kasintahan at mga dahilan kung bakit niya minahal si Maris sa kabila ng age gap nila.

“Siguro when I mention positive traits of Maris as a girlfriend, this does not mean I’m putting down yung mga exes ko or other girlfriends out there. Hindi naman. Ang bawat tao naman ay may maganda and unique traits and good traits about them. Ang gusto ko kay Maris is she doesn’t even realize it but nakaka-happy eh yung vibe niya. It’s something that I think is normal to them magkakapatid. Because I hung out with the sisters also and the family and even with Maris’s mom and that’s the vibe, parang barkada. It’s the same vibe when you’re hanging out with your friends. So parang ganun. It’s really like that kahit kaming dalawa lang,”saad ni Rico.

Photo credits: Maris Racal | IG

Sa ngayon patuloy na nagiging matibay ang pundasyon ng pagmamahalan ng dalawa. Parehas silang masaya sa relasyong meron sila. Hindi bat iyon ang importante, dahil hindi naman sukatan ang edad lalo na’t parehas na nasa hustong gulang na ang dalawang pusong nagmamahalan.

Nawa’y lalo pang lumalim ang kanilang pagmamahalan, at patuloy na tratuhin ang isa’t isa ng tama hanggang sa humantong sa pang habangbuhay na pagsasama.

error: Content is protected !!