Connect with us

Entertainment

Richard Yap, Ibinahagi ang Nakakakilig na Love Story nila ng Kanyang Asawa na Nagpatatag sa kanila sa Loob ng 25 Taong Pagsasama

Ang sikat na aktor na si Richard Yap ay kinakikiligan ng kanyang mga tagahanga dahil sa napakagwapo niyang mukha. Samahan pa nga ito ng galing niya sa pag-arte na talagang damang-dama ng mga manonood ang bawat eksena.

Si Richard ay full-blooded Chinese ngunit sa Pilipinas na lumaki. Kaya naman pala singkit at mamula-mula ang kutis ng aktor ay dahil sa pagkakaroon niya ng lahing Chinese. Wala ngang duda kung bakit habolin siya ng mga kababaihan, at sadyang napakagwapo sa kabila ng kanyang edad.

Kinakiligan at pinaibig nga ng aktor ang mga manonood matapos niyang gampanan ang karakter ni “Sir Chief” sa teleseryeng “Be careful with my Heart” kung saan nakasama niya ang mahusay na aktres na si Jodie Sta. Maria, at bilang si “Papa Chen” sa “My Binondo Girl”.

Ngunit, kung may maswerte namang babae na nakabihag ng puso ni Richard, ay ito na nga ang kanyang asawang si Melody Yap. Ang tamis ng pagmamahalan nina Richard at Melody ay pinagbuklod noong 1993 sa isang civil wedding. Ngunit, matapos ang dalawang taon, ay nagpasya ang dalawa na magpakasal sa simbahan.

Photo credits: Richard Yap | IG

Hindi naman nagtagal ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak. Ito ay sina Ashley at Dylan na talagang bumuo ng kanilang pamilya at nagbigay sa kanilang pagsasama ng saya.

Photo credits: Richard Yap | IG

Photo credits: Richard Yap | IG

Sa kabila naman ng matamis na pagmamahalan, ay parte rin ng kanilang pagsasama ang dumaan sa kanila ang mga pagsubok upang maging matatag ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Sa paglipas nga ng panahon ay nagtagumpay silang lampasan ang mga problema at pagsubok na dumaan sa kanilang pagsasama.

Photo credits: Richard Yap | IG

Ang tamis ng pagmamahalan nina Richard at Melody, pati na rin ang mga pagsubok na dumaan sa kanilang pagsasama, ay minsang nang napanood ng publiko sa telebisyon sa “Magpakailanman”. At sa takbo ng kwento ng love story ng mag-asawa ay matindi ang pinagdaanan nilang dalawa. Ito nga ay dahil mas nais ng ama ni Richard na ang pakasalan niya ay isang Chinese. Ngunit, hindi nagtagumpay ang kanyang ama, dahil mas piniling ipaglaban ni Richard ang pagmamahalan nila ni Melody.

Photo credits: Richard Yap | IG

Pag-amin naman ni Richard, noong una raw ay ayaw nilang pumayag na isapubliko ang kanilang love story. Pero sa huli nga ay nakumbinsi na silang ipalabas sa telebisyon ang kanilang kwento upang makainspire rin ng ibang tao na kapareho ng kanilang sitwasyon.

“We were asked if we wanted to share our story. Noong una, ayaw namin pero na-convince din kami in the end. Sabi nila kasi it might be inspiring for others to hear about it.”

Photo credits: Richard Yap | IG

Noong nakaraang taon naman, ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Richard at Melody ang kanilang silver wedding anniversary. At sa isang Instagram post, ay ipinaabot ni Richard ang mensaheng puno ng pagmamahal sa kanyang asawa.

“Celebrating our 25th anniversary today with my love, the wind beneath my wings and my forever partner and best friend. Even though we’re in ECQ, the most important thing is that we’re together through all this. Here’s to the next 25 years and beyond! Cheers my love.”

error: Content is protected !!