Connect with us

Entertainment

Richard Gutierrez, Sinundan ang Kanyang Pamilya sa Switzerland Para Muling Makasama

Matapos lumipad patungong Switzerland ang asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai, ay tila naman agad namiss ng aktor ang kanyang pamilya kung kaya’t sumunod ito para makasama ang kanyang pamilya.

Credit: Sarah Lahbati | Instagram

Sa isang Instagram post, ay masayang ibinahagi ng asawa ng aktor na si Sarah na ligtas na nakarating sa Switzerland at kasama na nila ngayon si Richard. Ang post na ito ng aktres ay nilakipan niya ng larawan kung saan makikita ang kasweetan nila habang nasa Geneva.

Kung matatadaan ay noong pang nakaraang buwan ng Hunyo nang magpasya si Sarah na lumipad patungong Switzerland. At si Richard ay sumunod lamang, kaya naman ngayong kompleto na ang kanilang pamilya ay wala silang pinalampas na sandali para mamasyal at magkaroon ng masayang bonding.

Credit: Sarah Lahbati | Instagram

Una nga ay magtungo sila sa Swiss train upang makapunta sa magagandang lugar at tourist spot sa bansa. Ayon nga kay Richard, ay mayroon silang Swiss Travel Pass na kanilang magagamit sa loob ng walong araw kung saan ay may unlimited access sila sa paggamit ng bus, boad at train saan mang sulok ng bansa para maenjoy nila ang kanilang bakasyon kasama ang kanilang buong pamilya.

Credit: Sarah Lahbati | Instagram

Sumakay rin sila sa cruise ship na magdadala sa kanila sa napakagandang lugar na malapit sa Château de Chillon kung saan ay talagang hahangaan ang natawin na hatid ng Geneva Lake.

“The cruise first took us near the Château de Chillon, and gave us the opportunity to admire from the lake the imposing medieval fortress along the banks of Lake Geneva nestled between mountain and lake,”pagbabahagi naman ni Sarah sa kanyang Instagram.

Nagtungo rin sila sa Martigny, Valais para mabisita at masilayan ang Barryland, museum ng Great St. Bernard na nangangalaga sa mga aso. Hindi rin nila nakalimutang bumisita sa Saas-Fee, Switzerland.

Credit: Sarah Lahbati | Instagram

Makikita naman na talagang masaya at nag-enjoy ang pamilya ni Sarah at ni Richard dahil kahit matinding hirap ang nararanasan ng bawat isa dahil sa pandemya ay nabigyan sila ng pagkakaroon mapuntahan ang mga magagandang lugar sa Switzerland.

Credit: Sarah Lahbati | Instagram

Hindi man natuloy ang engrandeng kasalan sana nina Richard at Sarah dahil sa pandemya, ay natuloy naman kanilang simple ngunit masayang pag-iisang dibdib na naganap noong March 2020 kung saan ay bilang lamang ang dumalong mga bisita bilang pagsunod sa safety protocols. Maliban sa mga magulang ni Sarah at Richard, ay naroon rin sa kanilang pag-iisang dibdib ang ilan sa malalapit nilang kaibigan sa showbiz.

Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak na lalaki, si Zion at Kai.

error: Content is protected !!