Connect with us

Entertainment

Richard Gomez, Pinapayagan na ang Kanyang Unica Hija na Magkaroon ng Boyfriend Pero sa Isang Kondisyon

Published

on

Natural lamang sa isang ama ang ingatan at protektahan ang babae at dalagang anak lalo na pagdating sa buhay pag-ibig sa pagpili ng lalaking makakasama sa buhay.

Ganito nga kung ingatan ng aktor at politikong si Richard Gomez ang kanyang unica hija na si Juliana. Si Juliana ay nag-iisang anak ni Richard at asawang si Lucy Torres.




Noong June 5 nga, sa isang Live Interview sa facebook sa RX 93.1 FM radio station, ibinahagi ni Richard na ang kanyang unica hija ay 2nd year college na sa darating na pasokan sa kursong Public Administration sa UP Diliman.

“She’s about to enter second year college kung matutuloy yung eskuwela…”

At napakabilis naman talaga ng pagdaan ng panahon dahil ang kanyang anak ay dalaga na at darating ang panahon na iibig ito kung kaya’t hindi siya nagkukulang sa pagpaalala sa anak pagdating sa pagmamahal at relasyon.

“It’s a fact of life that, one day, meron talagang manliligaw sa kanya. It’s a fact of life, that maybe one of these days, she’ll just decide to settle down and get married. But I always tell her, you really have to choose the person you want to marry, who’s going to make you happy. You choose somebody na you’re ready to wake up to every morning,” palaging payo ni Richard sa anak.

Samantala, ganito rin ang payo ni Richard sa mga kaibigan niyang naghahanap ng makakasama sa buhay.

“This is what I always tell my friends who want to get married. I always tell them, ‘We have to make sure that we’re ready to wake up with this person every waking morning.’ Hindi puwedeng love mo lang siya ngayon. When you get married, that’s the face you will see the first thing, always. So, are you ready? Do you really love that person? That’s a good gauge.”

Nagbigay rin ng payo si Richard patungkol naman sa pagpapakasal na kung saan ay dapat na sigurado na ng buong puso at walang halong pag-aalinlangan.

”And when you wanna get married, dapat wala talagang doubts. Not a single doubt. If you wanna marry a person, you have to be 100 percent sure.”




Samantala, inamin naman ng politiko na talagang ang anak niya ay nagdadalaga na at hindi lingid sa kanyang kaalaman na ito’y may mga manliligaw na.

“I’m sure may nanliligaw sa kanya. l know Juliana goes out once in a while and date with some friends. It’s a fact of life.”

Ngunit, sa kabila nito, hindi naman siya nagkukulang na paalalahanan ang anak sa ingatan ang sarili at maghanap ng mabuti at karapat-dapat na lalaki na kung saan ay mamahalin at igagalang siya.

“One day she’ll have a serious boyfriend. And as a parent, we really just have to be ready. And I just tell Juliana to always take care of herself and choose the right person. Kailangan mabait. If you get into a relationship, make sure that the person treats you well. Hindi puwedeng boyfriend ‘tapos babastusin ka o sasaktan ka. I told her we have to keep our dignity and respect all the time.”

Talaga nga namang napakabuting ama ni Richard kay Juliana na ang tanging hangad lamang ay ang makakabuti para sa kanyang anak. Patunay lamang nito kung gaano niya kamahal ang anak.




error: Content is protected !!