Richard Gomez At Lucy Torres-Gomez Ibinahagi Ang Sikreto sa 21-Taon na Matatag na Pagsasama: May Payo Sa Mga Mag-asawa

“Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag napaso” marahil alam na alam ng mga Pinoy ang matandang kasabihan na iyan. Sa kabilang banda paano nga ba mapapanatili ang ganda at takbo ng isang relasyon ng mag-asawa. Sa dami ng pagdadaanan na susubok sa binubuo nilang pagsasamahan anung maaring maging sandata ang kanilang pwedeng maasahan.

Samantala pinatunayan ng mag-asawang Richard at Lucy Torres-Gomez na magagawang mapanatili ang tamis ng pagmamahalan kahit ilang mga panahon at mga pagsubok man ang dumaan kung ito ay magkasama nilang pagsisikapan.



Sa katunayan kung pagmamasdan natin ang gwapong aktor kung paanu pa rin niya tingnan ngayon ang magandang asawa sinung makapagsasabi na mahigit dalawang dekada na silang nagsasama bilang mag-asawa at ang nag-iisa nilang anak na si Juliana Marie ay ganap na ngayong dalaga.

Kamakailan ibinahagi ng loving couple sa isang panayam ang masasabing naging sikreto nilang mag-asawa kung paanung napanatili nila ang magandang relasyon na maski ang panahon ay hindi nito nagawang palipasin ang kanilang pagmamahal.

Sa nasabing panayam sa loving couple na bumida sa Kapamilya comedy sitcom na “Richard Loves Lucy” ishinare nila ang mga personal na payo kung paanung mapapanatili ang magandang relasyon bilang mag-asawa,

“Enjoy each other’s company, Talk about things. Enjoy travelling together. Sleep together”, “Maglandian kayo once in a while”, pahayag pa ng 53 taong gulang na actor-politician.

Samantala, nilinaw din ng”Celebrity Dance Battle” host na dapat pahalagahan ang asawa at anuman ang makaya nitong ibigay ay huwag kalimutang pasalamatan ito,

“Be appreciative of things both big and small. I think it’s very important to verbalize appreciation because you don’t know how this day has gone. You don’t know the battles he fought. Every compliment matters” payo pa ni Lucy.



Sa kabilang banda, binigyang diin ng 44 taong gulang na kongresista na talagang hindi maiiwasan na parang maging pamilyar ang mag-asawa sa isa’t isa. At ayon pa sa proud mommy ni Juliana maaring dahil sa tagal ng pagsasama darating ang panahon na magiging kampante ka na at maiisip na para mo siyang isang kaibigan o kaya ay isang kapatid ngunit hindi iyon dapat maging hadlang kung paanu kayo makikitungo sa isa’t isa,

“That time will come soon enough, but in the meantime, Always keep the fire burning because you are, after all, husband and wife. You were not meant to be just friends, you still have to be lovers” paglilinaw pa ni Lucy.

Sa isang video nga nila sa Youtube ay ibinahagi nila na ang 21 taon na matagumpay nilang pagsasama ay dahil na rin sa pag-uunawaan at pagsasabi nila ng tapat sa isa’t isa.

Masasabing napatunayan ni Richard at Lucy na hinding hindi magagawang baguhin at palipasin ng panahon ang dalawang kaluluwang buong pusong nagmamahalan.