Connect with us

Entertainment

Request Granted: Jinkee Pacquiao, Ipinasilip ang kanilang Napakalawak at Napakagandang Private Beach House sa GenSan

Published

on

Pagdating nga sa taglay na kayamanan ay kabilang riyan ang pamilya Pacquiao na hindi naman talaga maikakaila ang angking yaman na bunga ng pagsisikap ng Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao.

At ang tagumpay ngang naabot ni Sen. Manny ay masayang tinatamasa ng kanyang pamilya ngayon. Ang asawa nga ni Sen. Manny na si Jinkee Pacquiao ay aktibo sa social media at sa kanyang mga vlogs. At sa pamamagitan nga ng mga vlogs ni Jinkee ay nasisilip natin ang kanilang marangyang pamumuhay na talaga namang kahanga-hanga.




Dahil nga sa pagbabahagi ni Jinkee ng kanilang pamumuhay, may ilan na tila hindi gusto na makita kung gaano sila kayaman ngunit higit namang nakararami ang mga taong nabibigyan nila ng inspirasyon upang magsumikap sa buhay para magkaroon rin ng maayos at marangyang buhay.

Maliban nga sa mga naggagandahan at naglalakihang bahay at mansyon, mga bag, mga damit at ilan pang ari-arian na ng kanilang pamilya na ibinahagi ni Jinkee sa kanyang vlog, ngayon naman ay ibinahagi ni Jinkee ang kanilang napakalawak at napakagandang private beach house na matatagpuan sa General Santos City.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Matatandaan na kamakailan lamang nang umuwi ang pamilya Pacquiao sa GenSan upang doon muna manatili habang hindi pa tapos ang pandemyang nararanasan sa bansa. At ngayon nga, ay masayang nag-rerelax ang pamilya Pacquiao kasama ang kanilang mga kamag-anak sa napakagandang private beach house sa GenSan.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Sa latest vlog nga ni Jinkee ay may pa-tour siya sa nasabing beach house na talaga namang nakakamangha ang ganda ng tanawin ng beach. Maging ang laki at ganda ng naturang beach house ay kahanga-hanga rin.

Bungad nga ni Jinkee sa video, not for bragging ang pagbabahagi niya sa publiko ng property nilang ito dahil ito umano ay request ng kanyang mga tagahanga. Kaya naman, request granted na ang hiling na ito ng kanyang mga tagahanga dahil ngayon nga ay masisilayan na natin kung gaano kaganda at kalawak ang kanilang beach house.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Ayon naman kay Jinkee ay 7 taon na ang nakakalipas nang maisaayos nila ang beach house, at ngayon nga ay ito ang nagsisilbi nilang bakasyunan.

Sinimulan na nga ni Jinkee ang pa-tour sa napakagandang beach house. Magmula nga sa mga villas, sa bawat silid, isang malawak na hall, gazebo, at pool area na makikita sa loob ng beach house ay ipinakita ni Jinkee.




Dahil nga napakalawak ng lugar, may dalawa itong villa. Ang Villa 1 at Villa 2, at ayon naman kay Jinkee ay para umano tig isang villa ang pamilya Pacquiao at pamilya Jamora sa tuwing nagkakasama sila sa beach house upang magbakasyon.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Pagdating nga sa villa ay napapalamutian ito ng nagagandang picture frames ni Jinkee. Dahil nga sa mahilig siya magpa-frame ng kanyang mga larawan upang maalala niya ang kanyang mga ginawa at kanyang kabataan sa kanyang pagtanda, ito nga ang naisip niyang idisenyo sa villa. Samantala, ang mga silid naman ay napakaganda rin, bagamat sakto lamang ang laki ng bawat silid makikita naman na maganda ang disenyo nito. May terrace din ito sa pangalawang palapag kung saan matatanaw ang napakagandang tanawin ng beach.

Ang hall naman ng beach house ay napakalawak, dito nga kadalasang ginagawa ang mga gatherings at dito madalas mamalagi si Sen. Manny kasama ang kanyang mga kaibigan. Kapansin-pansin rin ang mga nakatanim na halaman sa paligid na kung saan ay nakadagdag pang lalo sa ganda ng lugar.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Sa gazebo naman kadalasang ginagawa ang prayer meeting at praise and worship ng pamilya. Dahil nga malapit na sa dagat ay nakaka-relax naman talaga rito at malalanghap ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat.




Napakaganda ring tanawin ang hatid ng pool area. Ayon nga kay Jinkee ay blue and white concept ang disenyo ng pool area. May makikita rin ditong higaan at upuan sa gilid ng pool.

Sa huling bahagi naman ng video, mapapanood ang bonding moments ng kanilang pamilya na kung saan ay talaga namang makikita ang saya at tuwa sa kanilang mga tawa. Patunay nga nito na talagang nag-eenjoy ang pamilya Pacquiao sa kanilang pananatili sa GenSan.

 

error: Content is protected !!