Connect with us

Stories

“Relax! Kung gusto kitang saktan, kanina pa kita sinipa” Janice De Belen, Binalikan ang mga Panahong Nakausap niya ang 3rd Party sa Kanyang Past Marriage

Usap-usapan ngayon sa social media ang kaliwa’t kanang hiwalayan ng mga sikat na personalidad. Dahil dito, hindi rin maiwasan ng mga tao na magbahagi ng kanilang sariling karanasan mula sa kanilang dating relasyon.

Sa isang podcast episode ng Wala Pa Kaming Title, ibinahagi ng aktres na si Janice De Belen ang kaniyang naging karanasan noong pagtaksilan siya ng kaniyang dating asawa na si John Estrada.

Photo credits : Janice De Belen | Youtube

Kwento ni Janice, bata pa ang kanilang apat na anak nang mangyari ito. Dagdag pa niya, sinubukan niyang magpatawad noong una ngunit hindi maiiwasan na darating ang puntong hindi na niya kinaya ang pagtataksil ng asawa. Matatandaang nagkaroon ng napakalaking isyu ang pagtataksil ni John noong 2002 sa isa nitong katrabaho,

“‘Yung una siguro mapapatawad mo pa kasi…feeling mo may discretion pa. Nahuli mo lang. Nitong huli, lack of respect. Ginawa mo sa publiko, natural gusto mong ipubliko.”

Photo credits : Google

Nagkaroon din umano siya ng pagkakataon na makausap ang katrabahong ito ni John kung saan nagpaliwanag ito at humingi ng kapatawaran kay Janice.

Bukod dito, naging hamon din umano kay Janice ang pagpapaliwanag sa kanilang mga anak kung ano ang totoong nangyayari sa kanilang pamilya,

“It’s understandable that explaining to them is going to be hard. How do you explain to a 5-year-old that you changed their parent, ayaw mo na sa other parent? Kinausap ko naman sila…Sinabi ko na eventually, there’ll be a new person in my life, and you may not like. That is fine, but you need to respect. Maybe your dad may have somebody else, you need not like but respect is needed.”

Photo credits : Google

Sa kabila ng napagdaanan ni Janice, sa kabutihang palad ay unti-unti rin namang bumuti ang kaniyang sitwasyon at pag-iisip,

“I think the actual change, the actual transition cured all the insecurity. Kasi mababa na ang self-esteem mo. When you decide, and you are in charge, parang all of the sudden, ‘I’m in charge of my life, I did it for myself,’ mawawala ang insecurity. And then when you survive the first month, the first two months, the first year…Di naman ako umalis, bahay ko ‘yun. The emancipation is really hard.”

Photo credits : Google

Sa naging paghaharap ni Janice with the 3rd party woman, sinilaysay niya kung paano nga ba sila nagkaharap at kung ano ang naging reaksyon niya dito.

“Because she’s involved in a big management company, the head of the management company called me and asked me kung puwede kaming mag-usap. Kasi magso-sorry daw sa akin.”

Ibinahagi niya na ang head ng management company ang may gusto na magkausap sila,

“Eh kayo pala ang may gusto. Pero ang gusto ko, dapat and’yan kayo sa kuwarto para pag sinabing sinampal ko s’ya, sinampal ko talaga s’ya. Ayoko ng gawa-gawa.”

Hindi niya ito sinampal dahil ayon kay Janice, “because I’m bigger than that,” at nagusap lang talaga sila kung saan ang sinabi ni other woman ay,

“I’m sorry, I did not know.”

Sa pagpapatuloy ng kwento ni Janice,

“Sabi ko, ‘You did not know what? You did not know he’s married? You did not know artista ang asawa n’ya? Or you did not know anything?’ “Sabi ko, wala ka bang nanay, lola, kapatid, best friend? Ang lalaki sasabihin sa ’yo kahit ano just to get in your pants. Siyempre nag-monologue na ’ko.” “Pasalamat ka, ako ang asawa. Dahil kung hindi:

“‘1. Paty ka na.’ Diretso, di ba? Hindi siya tiga-rito. Working visa lang s’ya.

“‘2. Deported ka na.’ Inuna ko na ang pinakamasaklap, eh.

“Or ‘3, wala ka ng trabaho.’ Puwede mo s’yang hiyain to the point na ma-pressure na tanggalin s’ya sa trabaho.

“But none of three I chose to not do. So masuwerte ka pa.’”

“Tinapos ko na ang usapan. Sabi ni’ya, ‘It’s not going to happen.’ [Sabi ko], ‘Ang alin? Magbi-break na kayo? Tapos na kayo?’ Siyempre silence again.

“I stood up. Because there’s no point…Make it short. So pagtayo ko, ando’n s’ya sa may pintuan, palabas. Nararamdaman ko, nanginginig s’ya. Sabi ko sa kanya, ‘Relax! Kung gusto kitang saktan, kanina pa kita sinipa.’ ’Tapos she left.”

error: Content is protected !!