Connect with us

Entertainment

“Regarding the issue of age, we’re okay, ‘di kasi kami naba-bother”: Maris Racal, Hindi Nababahala sa Age Gap nila ng Kanyang Boyfriend na si Rico Blanco

Isa na namang celebrity sa showbiz ang nagpatunay ng mga katagang “age is just a number” pagdating sa usaping puso. At ito nga ang singer at aktres na si Maris Racal na talagang proud sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Rico Blanco, na isang OPM artist at songwriter.

Marami ang napataas ang kilay sa relasyon ng dalawa dahil sa 25 taon nilang age gap, ngunit may mga nagsasabi rin namang balewala ang agwat ng edad sa dalawang taong nagmamahalan at sinabi nga na “age is just a number”.

Si Maris ay 23 taong gulang, samantalang si Rico naman ay 48 na ang edad. Bagama’t 25 ang agwat ng kanilang mga edad, para naman kay Maris ay normal lang ang kanilang relasyon tulad ng ibang magkasintahan. Ayon nga kay Maris, ay hindi sila nababahala sa agwat ng kanilang mga edad.

Photo credits: google.com

“It’s really a normal relationship. In their world, people may have opinions about age gap and relationships, but regarding the issue of age, we’re okay, ‘di kasi kami naba-bother.”

Photo credits: google.com

Dagdag pa ng aktres, ay hindi naman big deal sa kanyang pamilya ang relasyon nila ni Rico. Sa katunayan nga nito ay naintindihan siya ng kanyang ina at maayos ring natanggap ng kanyang pamilya ang relasyon nila ni Rico at hindi niya umano ito inaasahan.

“I told my mom about it, she was first on my list. Surprisingly naintindihan niya!”

“Inakala ko maraming magagalit pero kabaligtaran ang nangyari!”

Ayon naman kay Maris, ay mahalaga na magpakatotoo lamang kapag nasa isang relasyon.

“Walang mawawala sa ‘yo ‘pag magpakatotoo ka. Kung wala kang pretensions, a lot of people will gravitate towards you. Dala-dala ko ‘yan up to now na maging truthful lang.”

Photo credits: google.com

Samantala, ibinahagi rin ng singer-actress na malaki ang naitutulong sa kanya ng kanyang nobyong si Rico lalo na sa hilig niya sa musika. Sa katunayan nito, ay naiimpluwensiyahan siya ni Rico sa pagkanta at pag-compose ng mga kanta kung saan ay talaga namang inspirado siya. At kapag may inspirasyon nga, ay tunay na talagang gaganahan sa buhay. Kaya naman ni Maris, ay maraming nagagawang kanta.

“Nahanap ko siya at the right time na marami na akong nagawang songs.”
“He really helps me, in songwriting, music video, guiding me about the right time to release my songs, but at the same time he does not overstep.”

Photo credits: google.com

At kapag nasa studio naman sila pareho, ay hinahayaan umano siya nitong magsulat at tapusin ang kanta. Malaking bagay rin sa kanilang relasyon na may respeto sila sa boundaries ng isa’t isa.

“In the studio, for instance, he just lets me write and finish the song. We respect our boundaries. We have that line that we follow.”

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Mayo nang aminin sa publiko ng aktres na si Maris at singer-songwriter na si Rico ang kanilang relasyon. Ito nga ay matapos batiin ni Maris sa kanyang kaarawan si Rico, kung saan ay sumagot ang dating Rivermaya frontman sa post ng aktres, at nagkomento ng “love you”. Ito nga ang kumpirmasyon sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

error: Content is protected !!