Connect with us

Entertainment

Regalong Bahay ni Vice Ganda sa Kanyang Nanay Rosario, Kompleto na sa Kagamitan

Ilang ulit nang pinatunayan ng TV host at tinaguriang Unkabogable star na si Vice Ganda ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya. Hindi naman maikakaila na sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon, ay hindi niya nakakalimutang isama ang kanyang pamilya. Kaya naman, tinitiyak ni Vice na kung anong bagay na meron siya, ay meron rin ang kanyang pamilya lalo na ng kanyang ina na si Nanay Rosario.

Matatandaan nga na sa mismong pagdiriwang ng kaarawan ni Nanay Rosario ay niregaluhan ito ng bonggang regalo ni Vice. At ito nga ay isang bago at napakagandang bahay na labis na ikinatuwa ng kanyang ina. Nang mga sandaling iyon, ay mapapansin na wala pang makikitang kagamitan ang loob ng bahay.

Ngunit, tila nga hindi natatapos ang surpresa ni Vice sa simpleng pagbibigay ng bahay sa kanyang Nanay Rosario. At kamakailan lamang nga, ay muli na namang sinurpresa ni Vice ang kanyang ina. Sa muling pagbabalik nila sa regalong bahay ni Vice kay Nanay Rosario ay labis nga ang tuwa ng ina ni Vice matapos masilayan na kompleto na ng kagamitan ang loob ng bahay.

Sa isang vlog na ibinahagi ni Vice sa kanyang YouTube Channel ay ipinasilip niya ang loob ng bagong bahay ni Nanay Rosario na ngayon nga ay kompleto na sa mga kagamitan.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Kasama ang kanyang pamilya, ay nilibot nila ang bawat sulok ng bahay. Nagmistula namang isang hotel ang ganda ng disenyo ng bahay ni Nanay Rosario. At ayon nga kay Vice, ay natapos ang pag-aayos sa mga gamit at pagbibigay ng disenyo sa bahay sa loob lamang ng isang buwan sa tulong ng mahusay na interior designer na kanyang kinuha. Nangyari naman ang pag-aayos sa bahay ni Nanay Rosario noong nasa Amerika si Vice, at sa kanyang pagbabalik nga ay tapos na ito.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Napahanga naman si Nanay Rosario sa ganda ng disenyo ng kanyang bahay at talagang nagustuhan ito. Ang bawat isa naman sa miyembro ng kanilang pamilya, ay may nakalaang sariling kwarto. At ang ina ni Vice na si Nanay Rosario, ay ang master’s bedroom ang siyang magiging silid. Tinupad naman ni Vice ang kahilingan nitong magkaroon ng wall paper ang kwarto nito at talagang natuwa naman si Nanay Rosario.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Nang tanungin nga ni Vice si Nanay Rosario kung nagustuhan nito ang bago nitong bahay, ay isang magandang kasagutan ang naging tugon ng kanyang ina.

“I liked it very much!” masayang saad ni Nanay Rosario.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Ngayon nga na nakaayos na lahat at makikitang kompleto na ang kagamitan sa loob ng bahay, anumang oras nga ay maaari nang lumipat dito ang pamilya ni Vice. Labis naman ang pasasalamat ng pamilya ni Vice sa biyayang ipinagkaloob sa kanila ng komedyante.

error: Content is protected !!