Regalo ng Anak sa Kanyang Ina, Nadulot ng Pagpatak ng Luha nito

Isang ina na nakatira sa California ang talagang nasurpresa matapos makakita ng isang napakalaking kahon na nakabalot sa pulang papel at naghihintay nalang na buksan.







Ang hindi alam ng ina na isa pala itong napakalaking supresa na talaga nga namang nagbigay sakanya ng hindi masukat na kasiyahan.

Si Shelem Celis na isang estudyante sa Unibersidad ng Syracuse sa New York, ay nakatakdang umakyat ng entablado para sa kanyang graduation noong May 14, 2017.

Ngunit ang dalaga ay malungkot dahil hindi makakarating ang kanyang ina sa araw ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo dahil sa sobrang mahal ng pamasahe sa eroplano.

Hindi din maitago ng ina nang dalagang ito ang kalungkutan at pagkabigo dahil alam niyang isa ito sa pinakamahalagang araw ng kanyang anak at alam niyang dapat nandoon siya para sumuporta dito, pero dahil kapos sa pera walang magawa ang ina kundi kausapin nalang ang kanyang anak sa pamamagitan ng celphone.

Pero dahil gusto ng anak na masaya ang kanyang ina nagisip ito ng isang surpresa na siguradong hinding hindi makakalimutan ng kanyang ina. Ang araw na iyon ay Mayo 14 at nagkataon din na araw ito ng mga Ina.

Sinupresa ni Shelem ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagpapadala ng malaking kahon na nakabalot sa kulay pulang papel at pinadala sa harap ng pinto ng kanilang bahay.

Nang kumatok na ang nagdeliver ng kahon at binuksan ito ng kanyang ina, laking gulat ng ina ng makita ang napakalaking kahon.

Sa video na inupload sa internet makikita na pagbukas ng pinto ng ina ni Celis nagulat ito at napasabing “Dios mio” [Oh! My God!] habang papalapit sa napakalaking kahon.




Habang papalapit na sya sa kahon at dahan dahan na itong binubuksan may narinig siyang kakaibang tunog sa loob nito agad nalang itong napaatras ng bahagya at maya maya lumabas na ang surpresa sa kahon at yun ay si Celis na suot ang kanyang toga.

Ayon kay Celis na napagdesisyonan niyang wag nalang umattend sa kanyang graduation at surpresahin nalang ang kanyang ina sa Mother’s Day.

Ayon sa nakalagay na description sa video na isinulat ni Celis:

“My mother was unable to attend my graduation at a Syracuse University because flights were so expensive, so I came to her.”

“Graduation at Syracuse University is on Mother’s Day and I decided to skip my graduation ceremony to surprise her on this big day,” dag dag ni celis.

Hindi mapigilan ng ina ang tuwa at luha at habang niyayakap ang kanyang anak tuloy tuloy ang pasasalamat nito sa panginoon: “Thank you, Lord. Thank you so much.”

Ano ang masasabi nyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *