Connect with us

Entertainment

Rayver Cruz, Naging “Speechless” Matapos Masilayan ang Napakagandang Resulta ng “Mid-Century Industrial Renovation” sa Kanyang Bagong Bahay

Ang aktor na si Rayver Cruz, ay kilala bilang isang mahusay na aktor at singer sa industriya ng showbiz, ngunit mas naging tanyag ang kanyang pangalan dahil sa kanyang dancing skills.

Sa kanyang pagsisikap nga sa kanyang trabaho, ay nakapagpundar siya ng bagong bahay na matagal na niyang pinapangarap. At ang bahay nga na ito, ay nais niyang magkaroon ng magandang disenyo na kung saan ay nakalagay sa ayos ang lahat.

Photo Credits: Google.com




At sa tulong nga ng Moss Manila, ay naisakatuparan ang “mid-century industrial home renovation” sa bagong bahay ni Rayver sa loob lamang ng tatlong araw. Ang mag-asawang Amado at Cyndi Beltran, ay ibinahagi sa kanilang vlog na mapapanood sa kanilang Youtube channel, ang gingawang renovation sa bahay ni Rayver, at ang pagbubunyag ng napakagandang resulta ng renovation.

Photo Credits: Youtube.com | Moss Manila

Kwento nga ni Cyndi, ay nais umano ng aktor na ang tahanan nito ay magmistulang “bachelor’s pad” kung kaya’t pinagsikapan nilang maisakatuparan ang nais nito at naging maingat sila sa bawat detalye at disenyo kung saan ay mas ginawa nilang “intimate”.

Photo Credits: Youtube.com | Moss Manila

Ibinunyag rin ni Cyndi, na ang naging instrumento umano upang magpasya si Rayver na kunin ang serbisyo nila upang mabigyan ng kahanga-hangang disenyo ang bahay ng aktor, ay ang kasintahan nitong si Janine Gutierrez.

Photo Credits: Youtube.com | Moss Manila

“Ever since we started the channel, what’s very interesting is ‘di ba we read the comments. And then we get so many messages from people and one of the messages that we got from way back — I guess this is one of the first videos, if not the first one — was actually from Janine, saying she’s such a fan. She said why don’t you try to message Moss [kasi may sakto bagong bahay si Rayver]. I think in the process they were trying to figure out who will furnish the house. So, biglang sabi ni Janine, try mo lang.”

Samantala, sadyang napakahusay nga ng Moss Manila pagdating sa pagsasaayos at pagbibigay ng disenyo ng bahay. Dahil matapos masilayan ng aktor na si Rayver, ang resulta ng “mid-century industrial renovation” sa kanyang bahay, ay hindi siya halos makapaniwala at naging “speechless” sa pagkamangha.

Photo Credits: Youtube.com | Moss Manila

“Madaldal ako. Pero nu’ng time na pagpasok ko ng house, talagang parang nahila ako. Alam mo ‘yung nahilo ka sa tuwa. ‘Yung parang ano ang ang nagyari? Nasaan ako. Para’ng ganun,”pahayag ni Rayver.

Sinang-ayunan rin ito ng girlfriend niyang si Janine at sinabi:

Photo Credits: Youtube.com | Moss Manila

“He is never speechless, but he’s speechless now.”




Tiniyak nga ng Moss Design na ang bahay ni Rayver, ay tulad ng inaasahan ng aktor na may pagka-Bachelor’s pad ang dating kung kaya’t makikita na talagang “masculin” ang disenyo at ilang kagamitan rito. Ito nga ay napakaeleganteng tingnan na tila isang hotel sa ganda. Makikita rin na bagay na bagay ang bawat disenyo ng bagong bahay sa personality ng aktor.

Photo Credits: Youtube.com | Moss Manila

Mas lalo naman itong gumanda dahil sa disenyo ng bahay na “dark color pallette”, na talaga nga namang panlalaking-panlalaki ang dating. Hindi naman maikakaila na talagang nagustuhan ni Rayver ang resukta at vibes ng kanyang bahay ngayon.

error: Content is protected !!