Connect with us

Entertainment

Rayver Cruz, Ipinasilip ang Transformation ng kanyang Bagong Bahay na May Disenyong Mid-Century Industrial Bachelor Pad

Nagsimula ang karera ng aktor, dancer at singer na si Rayver Cruz sa industriya ng showbiz sa murang edad na limang taong gulang kung saan ay una niyang nakasama ang kapatid na si Rodjun Cruz sa children’s magazine show na “5 And Up” sa ABC na ngayon ay TV 5.

Sa mahabang panahong ginugol ni Rayver sa industriya ng showbiz, ay talagang ipinamalas niya ang kanyang husay at talento. Lahat naman ng pagsisipag at pagsusumikap niya sa trabaho ay nagbunga na kung saan noon lamang nakaraang buwan ng Marso ay nakabili siya ng bagong bahay.

Upang mapaganda at makamit ang nais niyang disenyo para sa kanyang bagong bahay, ay humingi siya ng tulong sa Moss Design House. At sa video nga na ibinahagi ng Mr. and Mrs B of Moss Design House, ay makikita ang napakagandang resulta ng ginawang renovation sa bahay ni Rayver.

Hindi naman talaga maikakaila ang talento pagdating sa pagsasaayos at pagdidisenyo nina Mr. and Mrs. B, o mas kilala bilang sina Amado at Cyndi Beltran. Ayon naman kina Mr. and Mrs. B, ang naging instrumento upang lumapit sa kanila si Rayver para iparenovate ang bahay ay ang girlfriend nitong si Janine Gutierrez at kapatid ng aktres na si Max Gutierrez.

Pagbabahagi pa nina Mr. and Mrs. B, ay ipinagkatiwala nga lahat ni Rayver sa kanila sa magiging disenyo ng bago nitong bahay. Kaya naman, talagang ginawa nila ang abot ng kanilang makakaya.

At para sa bagong bahay ni Rayver, ay isang napakagandang disenyo na tinawag na Mid-Century Industrial Bachelor Pad na bagay sa personality ng aktor ang kanilang ginawa. Sadyang napakaganda nga nito, kung saan ay talagang pinag-isipang mabuti ang mga gagamiting kagamitan, lalo na ang mga mahahalagang bagay kay Rayver na nagpapakita ng kanyang personality. Matapos makita ang disenyo ng bahay, ay halos hindi nga makapagsalita si Rayver dahil sa labis na paghanga.

“Alam mo ‘yung feeling na ayaw mo siyang higaan o guluhin na mga isang buwan lang siyang ganun. Kasi gusto mo lang ipagyabang sa mga kaibigan mo, sa family mo.”

Ngunit, sa kabila ng kasiyahan, ay hindi naman maiwasan ni Rayver na makaramdam ng lungkot. Ito nga ay dahil wala umano sa tabi niya ang kanyang namayapang ina na si Melody Beth Cruz, na sana ay masaksihan ang bunga ng kanyang pagsisikap at pinaghirapan.

“Nakakaiyak na nakakalungkot kasi parang gusto ko sana nandito siya. Gusto ko nakikita niya ito.”

Bawat bahagi nga bahay ay talagang pinaganda ng Moss Design House. Mula sa living room area, dining area, entertainment room, at master’s bedroom, ay masisilayan ang ganda ng disenyong nais ni Rayver.

Makikita na nakadisplay ang mga mahahalagang bagay sa buhay ni Rayver sa living room katulad na lamang ng larawan ng kanyang ina na nakalagay sa isang shelf. Humanga rin si Rayver sa bagong disenyo ng dining area.

Pagdating naman sa entertainment room ay talagang napabilib si Rayver sa bawat bahagi nito lalo na nga’t ito ang magsisilbi niyang tambayan. Ang samurai na nagsisilbing prized possession ni Rayver ay makikitang nakadisplay sa entertainment room.

Sa bedroom naman ay tiyak na makakarelaks at makakatulog ng mahimbing si Rayver matapos ang nakakapagod ng trabaho dahil masisilayan ang malinis at maaliwalas na kapaligiran dito.

error: Content is protected !!