Connect with us

Entertainment

Raffy Tulfo, Labis ang Kaligayahan Matapos Surpresahin ng kanyang Pamilya ng Plantito-Themed Birthday Party sa Pagdiriwang ng Kanyang 61st Birthday

Hindi naitago ng TV5 broadcast journalist na si Raffy Tulfo ang pagkabigla matapos surpresahin ng kanyang pamilya ng isang plantito-themed birthday party sa pagdiriwang ng kanyang 61st birthday.

Noong ika-12 ng Marso ang mismong kaarawan ni Idol Raffy, ngunit noong ika-13 ng Marso, sa kanyang pag-uwi sa kanilang tahanan sa Quezon City, ay isang mala-paraisong lugar ang kanyang nadatnan na hatid ng naggagandahang halaman, at napakagandang disenyo. Isang intimate dinner ang inihanda ng kanyang pamilya para sa kanyang kaarawan.

Makikita nga napakaganda ng disenyo ng lugar kung saan makikita ang iba’t ibang klase ng halaman, na binagayan pa ng bright neon lighting, at black and white decor na talaga namang napakagandang pagmasdan. At ito ay disenyo ng mahusay na designer at event stylist na si Dave Sandoval, at sa collaboration at tulong ng La Belle Fete.

Napakaganda rin ng backdrop, ngunit agaw pansin naman ang ganda ng disenyo ng main table dahil sa iba’t ibang klaseng succulents, at iba pang halaman. Ayon naman kay Dave, bagama’t makikita na puno ng mga halaman ang set up ng lugar, ay binagayan niya ito ng silver ornaments at industrial chairs, upang ipakita ang energy at personality ni Idol Raffy, kung saan ay talagang nagbigay ng “masculine effect”.

Ilan naman sa mga halamang makikita rito maliban sa mga succulents ay moth orchids, zamia furfuracea at Ecuadorean roses na nilagyan ng kulay silver bilang disenyo. Hindi lamang nga disenyo ng kapaligiran ang may “plantito design”,dahil ang cake ni Idol Raffy ay nay RAD Plantito themed rin. Ito naman ay likha ng cake artist na si Chef Castillo Fuentes.

At hindi lamang mga mata ni Idol Raffy at ng kanyang pamilya ang nabusog sa ganda ng disenyo ng lugar, dahil busog na busog rin ang kanilang tiyan sa masarap na pagkain na inihanda ng Juan Catering.

Sadyang napakaganda ng set up ng pagdaraosan ng intimate dinner sa bahay ni Idol Raffy. Mas masaya naman ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan dahil kasama niya ang kanyang pamilya. Kabilang na nga rito ang kanyang asawang si Jocelyn, anak nilang si Mar at asawa nitong si Atty. Garreth Tungol.

Labis naman ang pasasalamat ni Idol Raffy sa surpresang handog ng kanyang pamilya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan na nagbigay sa kanya ng labis na kaligayahan. Talagang napakapalad ni Idol Raffy sa pagkakaroon ng isang mapagmahal na pamilya.

error: Content is protected !!