Connect with us

Entertainment

Rachelle Ann Go, May Payo Sa Mga Single Ladies: Huwag Magmadali Kundi Ihanda At Ipagdasal Na Lamang Ang Sarili

Talaga nga namang pagdating sa usaping pag-ibig ay hindi tayo nagpapahuli.

Photo Credit: Rachelle Ann Go Instagram




Lahat tayo ay gustong matagpuan kaagad ang taong nakatadhana sa atin upang makasama habang buhay. Ngunit sa pagmamadali natin minsan ay napupunta tayo sa maling tao. Pero sadyang may mga tao rin na handang mag-antay gaano man ito katagal para lamang makasama ang taong nararapat sa kanyang buhay.

Photo Credit: Rachelle Ann Go Instagram

Kagaya na lamang ng sikat na singer na si Rachelle Anne Go na bukod sa kanyang namamayagpag na karera sa pag-awit ay napakakulay rin ng buhay pag-ibig.

Photo Credit: Rachelle Ann Go Instagram




Mapalad ang singer dahil sa kanyang matiyagang pag-aantay ay natagpuan niya ang taong nararapat at talagang mahal siya sa katauhan ni Martin Spies. Si Martin Spies ay isang South African-born American businessman. Nagkakilala ang dalawa sa New York habang abala si Rachelle sa Miss Saigon Tour. Dahil sa labis na pagmamahal nila sa isat-isa ay nauwi ito sa pag-iisang dibdib na ginanap noong Abril 18, 2018.

Malaki ang pasasalamat ng singer dahil ang taong kanyang natagpuan upang makasama sa buhay ay magkapareho sila ng espiritwal na paniniwala. Ayon sa paniniwala ni Rachelle, ang mag-asawa na magkaiba ang pananampalataya ay hindi magiging matagumpay ang kanilang relasyon.

Photo Credit: Rachelle Ann Go Instagram

Dahil talagang labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang magandang kapalaran sa buhay may-asawa ay nais niya itong ibahagi sa iba. Kaya naman nagbigay siya ng payo para sa mga single ladies na huwag magmadali sa paghahanap ng kanilang ‘the one’, kundi ihanda na lamang ang sarili para maging the one.

“To all the single ladies out there, there’s no such thing as ‘the one.’ You have to be ‘the one’ for that person. You have to prepare yourself to be ‘the one’”

Paliwanag ni Rachelle sa ulat ng GMA News.




Photo Credit: Rachelle Ann Go Instagram

Ayon sa singer walang magiging tamang tao para sayo, hanggang hindi mo nakikita at natatagpuan ang taong talagang inilaan para sayo. Kaya kailangan mo lang maging handa sa pagdating ng taong ito.

Bago pa man makilala ni Rachelle sa kanyang buhay si Martin ay marami umano siyang nakadate at dumaan siya sa pagkabigo at sakit sa isang relasyon hanggang sa napagod na lamang siya. Matatandaan na naging karelasyon ng singer sina Slater Young, Christian Bautista at Gab Valenciano.




Photo Credit: Rachelle Ann Go Instagram

Ayon pa kay Rachelle, nang makaramdam siya ng pagod sa pakikipagrelasyon ay napagpasyahan niyang ituon na lamang ang pansin sa kanyang karera at sa pagpapatatag ng kanyang espiritwal na pananampalataya. Inihanda at ipinagdasal na lamang niya ang kanyang sarili sa pagdating ng kanyang future husband.

“Naalala ko, I was on a plane, I was writing, sabi ko ‘Lord, this is the first time I am writing this down.’ Sabi ko, ‘prepare me to be a good wife, to be a good mom.’ And sabi ko, ‘yung husband din. When You think I’m ready Lord, ipakita n’yo na Lord.’ So doon, nangyari lahat sa New York”

Salaysay pa ni Rachelle.

Photo Credit: Rachelle Ann Go Instagram




Nag-iwan rin siya ng mensahe sa mga dalaga na mas magandang bigyan na lamang ng panahon ang sarili at i-enjoy ang buhay pagkadalaga at huwag mag-aksaya ng oras sa pakikipagdate lamang dahil darating rin ang tamang tao na inilaan ng tadhana sa tamang panahon.

error: Content is protected !!