Connect with us

Entertainment

Rachelle Ann Go, Masayang Ibinahagi na Isinilang na niya ang Panganay na Anak Nila ng Kanyang Asawang si Martin Spies

Isang magandang balita ang hatid sa kanyang mga tagahanga ng Kapuso singer at international theater actress na si Rachelle Ann Go nito lamang ika-30 ng Marso.

Photo credits: Rachel Ann Go | IG

Sa Instagram post, ay inihayag ni Rachelle ang kanyang natagumpay at ligtas na pagsilang sa panganay na anak nila ng kanyang asawang si Martin Spies. At base sa detalyeng mababasa sa kanyang post, ay noong pang Marso 26, araw ng Biyernes kanyang isinilang ng ligtas ang isang malusog na baby boy.

Ang napakacute na baby na ngayon nga ay kapiling na mag-asawang Rachelle at Martin, ay binigyan naman nila ng napakagandang pangalan na “Lukas Judah Spies”. At tulad ng cute at maamo nitong mukha, ay napakaganda rin ng kahulugan ng pangalan nito na siyang ipinaliwanag ni Rachelle sa kanyang Instagram post.

Ang pangalan nga nitong “Lukas” ay may kahulugan na “bringer of light” habang ang “Judah” naman ay “praised” o “let Him be praised.”

Ang post namang ito ng singer, ay nilakipan ng isang larawan kung saan makikitang kalung-kalong niya ang bagong silang na sanggol na si Baby Lukas Judah kasama ang asawang si Martin.

Caption naman ni Rachelle sa kanyang post:

“Lukas Judah Spies has arrived! Born on March 26, 2021.
Lukas: brighter of light
Judah: praised, let Him be praised.”

Hindi naman matawaran ang saya ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang munting anghel sa kanilang buhay. At kasama nila sa pagsalubong ng bagong milestone na kanilang haharapin, ang ilan sa mga kaibigan nila sa showbiz na nagpaabot ng kanilang pagbati.

“Finally nandito na siya!!! Congratulations, everyone!!!” saad Ni Lea Salonga.

“Congratulations! Hope Mommy and baby are doing fine,” komento ni Charo Santos.

“Congratulations Shin & Martin!” pahayag ni Jed Madela.

“Congratulations Shin,” sabi naman Pauleen Luna.

“Congrats mare!!!!! Motherhood is the BEST!!!!!” saad naman nj Jolina Magdangal.

Matatandaan na taong 2018 nang ikasal sila Rachelle at Martin sa isla ng Boracay. At matapos ng kanilang pag-iisang dibdib ay nagpasya ang mag-asawa na sa United, Kingdom manirahan. Ngayon nga, ay masaya silang namumuhay sa London kasama ang bagong silang na si Baby Judah.

 

Photo credits: Rachel Ann Go | IG

Noong Nobyembre ng nakaraang taon naman ng ianunsiyo ni Rachelle ang kanyang pagdadalantao sa panganay na anak nila ni Martin.

error: Content is protected !!