Connect with us

Entertainment

Rachelle Ann Go, Ibinahagi ang kanyang Pregnancy Journey sa Panganay na Anak nila ng Kanyang Asawang si Martin Spies

Tunay nga na napakapalad ng international theater actress na si Rachelle Ann Go, hindi lamang sa kanyang karera kundi pati na rin sa kanyang masaya at makulay na love life. Natagpuan ni Rachelle ang kabiyak ng kanyang puso sa katauhan ng kanyang asawang si Martin Spies.

At noong ika-20 ng Nobyembre, ay isang magandang balita ang hatid ng mag-asawa, matapos ianunsyo na malapit na silang maging magulang sa panganay nilang anak.




Sa isang vlog, ibinahagi ng mahusay na singer ang kanyang labis na kaligayahan sa biyayang ipinagkaloob sa kanilang pagsasama. Ayon nga sa singer, ay hindi umano siya makapaniwala na malapit na siyang maging isang ganap na ina.

“We are so grateful for this new season, this new blessing. Oh my gosh, I can’t believe it — I’m going to be a mama.”

Unang nagkakilala sina Rachelle at Martin sa New York City at hindi nga nagtagal ay napaibig na nila ang isa’t isa. At noong 2018, ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nauwi sa pag-iisang dibdib na ginanap sa mala-paraisong isla ng Boracay.

Noong ika-1 ng Disyembre 2019 naman, ay nagsimula na ang mag-asawa sa pagbuo ng kanilang pamilya sa London kung saan nila itinatayo ang kanilang tahanan at kung saan rin isinakatuparan ni Rachelle ang isa sa kanyang mga pangarap. At matapos ang dalawang taon ng kanilang pag-iisang dibdib, ay inanunsiyo ng mag-asawa ang biyayang dumating sa kanilang pagsasama.

Samantala, ibinahagi naman ng lovely couple na alam na nila ang kasarian ng kanilang magiging panganay na anak, ngunit kanila umano itong iaanunsiyo sa tamang pagkakataon kung saan ay may itinakdang special date.

Ibinahagi naman ni Rachelle, na noong panahon ng lockdown sa London, ang isa sa naging libangan niya ay panonood ng mga video ng mga baby, kaya naman narealized niya na handa na siyang magkaroon ng baby. Nang mga sandaling iyon, ay noon pa lamang nadiskubre ng singer na 8 weeks na ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan.

Hindi naman maikakaila na ngayon pa lang ay excited na si Rachelle at Martin sa pagdating ng kanilang Baby Spies sa kanilang buhay. Minsan na ngang ipinasilip ni Rachelle ang nursey ng kanilang panganay. Naghahanda na rin ang mag-asawa sa mga gamit ni Baby Spies, katulad na lamang nga ng stroller na kanilang binili.




Bagamat, naka-lockdown pa rin sa London, ay naeenjoy naman ni Rachelle ang kanyang pregnancy journey. Ngayon nga, ay naglalaan rin ng oras para sa pahinga ang singer, bilang paghahanda sa mga gabing walang tulog kapag lumabas na si Baby Spies.

Ang pagdating ng kanilang panganay na anak na siyang magbibigay kulay at saya sa kanilang pamilya, ay inaasahang dumating ngayong taong 2021.

error: Content is protected !!