Connect with us

Entertainment

Rabiya Mateo, Pinahanga ang Publiko sa Kanyang Natatanging Kagandahan sa Pre-Pageant Beauty Shoot

Agad na pinamalas ng pambato ng Pilipinas sa kompetisyon ng Miss Universe 2020 na si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang kanyang natatanging kagandahan sa pre-pageant beauty shoot para sa Muba cosmetics, ang official sponsor ng pageant sa hair and make up ng mga kandidata.

Hindi naman talaga maitatanggi na nangingibabaw ang natural na ganda ng tubong Iloilo na si Rabiya sa kuha ng mga larawan. Makikita na kasama ni Rabiya ang apat na iba pang kandidata ng Miss Universe. Kabilang rito sina Miss South Africa Natasha Joubert, Miss Puerto Rico Estefanía Soto Torres, Miss Uruguay Lola de los Santos at Miss Iceland Elisabet Hulda.

Talagang kahanga-hanga ang taglay na kagandahan ni Rabiya habang naka-awra sa harap ng camera kung saan ay nakasuot siya ng black dress na binagayan rin ng dark make up. Tunay nga ang mga salitang “fierce and fabulous” ay akmang-akma para ilarawan ang awra ng Miss Universe Philippines 2020. Ang Filipina beauty queen, ay nagkaroon rin ng maikling introduction sa behind the scenes clip.

Samantala, ang Muba Cosmetics ang official na sponsor sa hair and makeup ng Miss Universe 2020. Ang nasabing pre-pageant beauty shoot para sa kanilang brand ay naganap noong Miyerkules. At ang group photo ng mga kandidata kasama si Rabiya, ay ibinahagi ng nasabing brand ilang araw bago maganap ang coronation night.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Ito naman ay kinunan sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, kung saan rin magaganap ang kompetisyon ng Miss Universe 2020 sa darating na Mayo 16, araw ng Linggo.

Marami na nga ang nakaabang kung sino ang tatanghalin at makakasungkit ng titulo para maiuwi ang korona ng Miss Universe 2020. At nito lamang ika-14 ng Mayo sa Hollywood City, Florida ay nagsimula na nga ang pasiklaban ng mga kandidata mula sa iba’t ibang dako ng mundo upang irampa at ipagmalaki ang National Costume ng kanilang bansa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Para sa pambato ng Pilipinas, ay proud na inirampa ng 24 taong gulang na tubong Iloilo na si Rabiya para sa National Costume ang “Philippine flag-inspired large angel-like wings at the back.” Ang nasabing costume ni Rabiya ay inilarawan ng commentator bilang “blue wing” na nagsisimbolo ng “royalty” at red wings na nagsisimbolo naman ng “courage and strength of an independent woman.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Kabilang rin sa disenyo ng watawat ng Pilipinas na nasa suot ni Rabiya ang tatlong bituin na nagpapakita naman ng “hope and freedom to choose whoever you want to be.” Ang tatlong bituin naman ay simbolo ng pangunahing isla ng bansa ang Luzon, Visayas, at Mindanao.

Habang inirarampa ang kanyang National Costume ay marami ang pinahanga ni Rabiya dahil talaga namang nadala niya ito ng maayos ng may kumpiyansa sa sarili bilang isang proud na Pilipino.

error: Content is protected !!