Connect with us

Entertainment

Rabiya Mateo, Low Quality ang Cellphone Kaya Nahihiya daw Kumuha ng Pictures, Isang Netizen Niregaluhan ang MUP 2020 ng Bagong Cellphone

Marami nga ang pinahanga ng nagwaging Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo na talaga namang beauty and brain. Matapos masaksihan ang ipinamalas na husay at talento sa nagdaang pageant, ay mas lalo namang dumami ang mga taong nais siyang makilala ng lubusan.




Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami, na napakasimple lamang ng buhay na kanyang pinagmulan. Ito nga base na rin sa kwento ng buhay na kanyang inilahad sa pageant. At habang nasa ilalim nga ng kompetisyon, ay nanatili ang kanyang pagiging simple at ipinakita rin niya ang kanyang pagiging totoo. Sa katunayan nga nito, ang ginagamit umanong cellphone ni Rabiya habang nasa kompetisyon ay low quality lamang.

Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram

Nalaan ang lahat ng kwento sa likod ng cellphone ni Rabiya, sa inilabas na artikulo ng PEP. Nakasaad nga dito, na isang netizen ang nagbigay ng komento sa Instagram post ni Rabiya, kung saan ay sinabi nito na may bago ng cellphone ang beauty queen.

“may bago na siyang cellphone! Love you manang @rabiyamateo. Enjoy ang pinaghirapan mo. GOD BLESS.”

Matapos namang mabasa ni Rabiya ang nasabing komento, bagama’t hindi pinangalanan ang tagahangang nagbigay ng cellphone, ay malugod namang pinasalamatan ni Rabiya ang naturang tagahanga na nagregalo sa kanya ng cellphone.

“Hahaha. Natatawa ako. Pero yes may cellphone na po na bago. Thank you sa fan na nagbigay.”

Sa isang Facebook post naman, ay pinatunayan ni Rabie Ian Pogoy, isang talent manager ang nakasaad sa palitan ng komento ni Rabiya at ng netizen. Sa post nga ni Rabie, inilahad niya ang naging problema ni Rabiya habang nasa kompetisyon. Isa na nga rito ang hirap sa pagkuha ng magagandang kuha ng larawan para sa OOTD ni Rabiya na ipopost sa social media, dahil umano sa low quality ang gamit nitong cellphone.

Photo credits: Facebook

Nahihiya rin umano si Rabiya sa tuwing kumukuha ng litrato dahil ang kanyang mga kasabayan ay pawang naka-Iphone, samantalang siya ay low quality lamang. Kaya naman, ang nangyayari umano ay nakikisuyo na lamang si Rabiya na magpakuha ng litrato gamit ang cellphone ng kanyang kasama.




“Among the challenges, you encountered when your phone got busted. Also, you had difficulty to take photos because low quality yung nakukuha from your phone.

“Tumawag ka sa amin ni Mama Joseph Madrid, Mama Michelle Joy Padayhag na sobrang stress mo na nak Kasi ang daming issues kung bakit halos wala kang OOTDs na inaupload” Sabi mo pa nga nak nahihiya ka to take photos kasi halos lahat ng ibang girls naka Iphone tapos sayo sobrang Low Quality, Most of the time you ask another girl to take photos of you using their phones” 😭😭😭 Napa iyak din kami talaga nun nak!”

Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram

Nabanggit rin sa post ni Rabie na nasiraan ng cellphone si Rabiya habang nasa kompetisyon kung kaya’t mas lalong wala siyang magamit. At ang dahilan umano ng pagkasira nito ay dahil sa defective na battery.

Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram

Sa huling bahagi ng post ni Rabie, ay mababasa na proud na proud ito sa nakamit na tagumpay ni Rabiya. Ayon nga rito, ang pagsubok na pinagdaanan ni Rabiya, ang nagbigay sa beauty queen ng lakas ng loob upang abotin ang pangarap. At ang hindi nga pagsuko sa hirap na pinagdaanan ang nagdala kay Rabiya na maging isang tunay na reyna, bilang Miss Universe Philippines 2020.

“Alam mo nak na it made you stronger and determined to achieve your goal. Kahit na mahirap, you did not surrender because a real queen does not give up.
A queen stands up. A queen acknowledges the challenges but is unbreakable.”

error: Content is protected !!