Connect with us

Entertainment

Rabiya Mateo, Handa nang Sumabak sa Miss Universe 2020 sa Amerika Sa Susunod na Buwan Upang Maiuwi ang Ika-limang Korona sa Bansa

Nito lamang nakaraang Biyernes nang lumipad patungong Amerika ang nagwaging Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo kasama ang kanyang glam team, kasama rin ang creative director ng Miss Universe Philippines na si Jonas Gaffud. At ngayon nga, ay nasa Amerika na si Rabiya, at iba pang kandidata upang mapaghandaan ang nalalapit na beauty pageant.

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

Handang-handa na ngang ipamalas ng Ilongga beauty na si Rabiya ang kanyang angking ganda at katalinuhan sa nalalapit na Miss Universe 2020 na gaganapin sa May 16 (Sunday, 8 p.m. Eastern Time o May 17, Philippine Time) sa Hollywood, Florida sa susunod na buwan.

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

Matindi ang pasiklaban ng 80 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo. At bilang unang hakbang sa pagsungkit ng korona ng Miss Universe ay sasabak sila sa pre-pageant activities kung saan masusubok kung sino sa kanila ang karapat-dapat hirangin at mag-uuwi ng korona.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Sa isang panayam, ay ibinahagi ni Rabiya na bago siya magtungo sa Amerika ay talagang matinding training ang kanyang pinagdaanan bilang paghahanda. At bilang kinatawan ng Pilipinas ay gagawin ni Rabiya ang lahat ng kanyang makakaya upang maiuwi ang pang-limang korona ng Miss Universe sa bansa.

“Alam ko sa sarili na binuhos ko po lahat ng lakas ko at pinaghandaan ko po talaga ito. Sana in the coming days maiuwi natin ‘yung ikalimang korona para sa bansa,” pahayag ni Rabiya.

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

Buong tapang namang nangako si Rabiya sa sambayanang Pilipino na kanyang pagbubutihan at gagawin ang lahat ng kanyang makakaya. Ikinararangal naman niya na isa siyang Pilipina sa salita, puso at diwa.

“Ibubuhos ko ang lahat ng lakas sa laban na ito at taas noo kong sasabihin, ‘Ikinararangal kong maging modernong Pilipina sa isip, sa puso, sa diwa, sa salita at sa gawa.’ Mabuhay ang gawang Pilipino!”

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

Sa pag-alis ni Rabiya sa Pilipinas patungo sa Amerika, ay agad na pumukaw ng atensyon ang kanyang mga kahanga-hangang kasuotan. Sa isang modern Barong Tagalog-inspired na pinuno ng daan-daang crystals, sequins at pearls na gawa ng fashion designer na si Chino Christopherson ay talagang lumutang ang kagandahan ng beauty queen. Gawa naman ni Marc Rancy ang kanyang custom-made high-waisted trousers. Mula naman sa mahusay na fashiondesigner na si Nono Palmos ang suot niyang printer blazer.

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Rabiya sa kanyang mga stylist at fashion designer na nakasuporta sa kanya. At ang mga ito ang dahilan ng mga napakaganda at kahanga-hangang kasuotan na kanyang irarampa sa pageant.

“I’m very thankful to my stylists, Em and Rain, for helping me in packing all my clothes.“It’s really hard to do such thing pero dahil passion talaga nila ito at ginagawa din nila para sa bayan, they were able to help me.

“And sa lahat ng mga designers all over the country, mula Luzon hanggang Mindanao, tumulong po sila. They were able to give me a lot of amazing clothes,” pahayag pa ni Miss Philippines.

error: Content is protected !!