Connect with us

Entertainment

Rabiya Mateo, Ginulat ang Publiko sa Kanyang New Hairstyle Matapos ang Miss Universe Pageant

Humanga ang publiko sa ipinamalas na husay ng Ilongga beauty na si Rabiya Mateo sa nagdaang Miss Universe 2020 pageant na nasaksihan ng buong mundo. Hindi man pinalad na masungkit ang korona, at napabilang lamang si Rabiya sa Top 21, ay nakasuporta at ipinagmalaki siya ng sambayanang Pilipino.

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

Matapos naman ang kompetisyon para sa Miss Universe 2020, ay ginulat ni Rabiya ang kanyang mga tagahanga sa bago niyang looks kung saan makikita ang short hairstyle niya.

Nito lamang ika-24 ng Mayo, araw ng Lunes ay ibinahagi ni Rabiya sa Instagram, ang kanyang larawan kung saan nakaawra siya sa harap ng camera, na sadyang napakaganda sa kanyang maikling buhok. Nilakipan naman ito ni Rabiya ng caption na:

“Nah just bluffing,”caption ni Rabiya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Ngunit, ilang sandali lamang matapos pagkaguluhan ng mga netizens ang kanyang new hairstyle, ay sinabi at tiniyak ni Rabiya na hindi naman niya pinaputol ang kanyang mahabang buhok, dahil nakasuot lamang siya ng wig sa nasabing larawan.

“Don’t worry. It’s just a wig,”saad ni Rabiya sa kanyang Instagram Stories.

Samantala, marami naman sa mga netizens, at kapwa beauty queen ang humanga sa ganda ni Rabiya sa kanyang short hair. Marami ang nagsabi na bagay umano sa beauty ang maikling buhok.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Sa ngayon, ay nananatili parin si Rabiya sa US matapos ang kompetisyon ng 69th Miss Universe pageant upang sulitin ang bakasyon bago muling bumalik sa kanyang trabaho.

Sa isang Instagram post, isang linggo matapos ang hindi makakalimutang karanasan sa international pageant ay muli niyang binalikan ang kanyang journey.

“I can’t believe it’s been one week already. For those who were asking how am I, you have nothing to worry. I’m enjoying my mini vacay here in the US. Just few more days and I’ll be working again.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Ipinaabot rin ni Rabiya ang kanyang labis na pasasalamat sa kanyang mga kababayan sa ipinakitang pagmamahal at suporta sa kanya sa kanyang journey sa pageant. Hindi man nga naiuwi ang korona, ay nabihag naman niya ang puso ng mga Pilipino.

“I failed to bring home the crown but I gained the hearts of millions of Filipinos, and that makes me a winner. Salamat Pilipinas! Lalaban parin tayo sa buhay.”

error: Content is protected !!