Connect with us

Entertainment

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, Kinumpirma Na Sa Publiko Ang Kanilang Relasyon

Isang nakakakilig na balita ang hatid ng beauty queen-actress na si Rabiya Mateo at aktor na si Jeric Gonzales sa kanilang mga tagahanga. Dahil kamakailan lamang nga, ay isinapubliko na nina Rabiya at Jeric ang kanilang relasyon.

CREDITS: Jeric Gonzales| IG

Sa kani-kanilang Instagram account nga, ay masayang ibinahagi ng parehong Kapuso artist ang kanilang sweet photos na nilakipan naman ng nakakaantig na caption.

CREDITS: Rabiya Mateo |IG

Sa Instagram account ni Rabiya ay makikitang ibinahagi niya ang larawan na kuha sa masaya nilang adventure sa Bohol. Kasama rin sa kanyang post ang isang maikling video kung saan makikita namang nakasakay siya sa likuran ng kanyang nobyo. Simple naman ang naging caption ni Rabiya sa kanyang post at pinasalamatan rin ang aktor.

“Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric.”

Makikita naman sa comment section ng post ni Rabiya ang napakasweet na tugon ni Jeric.

“Let’s be happy together. I love you,”komento nga ni Jeric.

Samantala, sa Instagram naman ni Jeric ay nagbahagi siya ng mga larawan na kuha naman sa masaya nilang bonding moments sa iba’t ibang lugar. Sa caption naman ng kanyang post, ay ipinahayag niya ng aktor ang pagmamahal nito sa kanyang nobya kung saan ay nais pa niya itong makasama para bumuo ng masasayang alaala.

CREDITS: Rabiya Mateo |IG

“To more memories with you rabiyamateo I love you,” ayon nga kay Jeric.

Tila naman hindi talaga mapigilan ang kanilang kasweetan dahil hindi rin nagpahuli si Rabiya na magbigay ng napakasweet na komento sa post ni Jeric.

“Through good and bad times, Im gonna be there by your side. I love you, babe,”komento naman ni Rabiya.

CREDITS: Rabiya Mateo |IG

Samantala, ayon sa ulat ng Pep.ph, ang dalawa ay nasilayang magkasama sa Enchanted Kingdom noong Disyembre. Ngunit, maliban dito ay madalas ring makitang magkasama ang dalawa na nagbabakasyon sa beach.

Matatandaan na unang nagkasama ang dalawa proyekto kung saan bumida sila sa isang episode ng Wish Ko Lang noong Nobyembre. At hindi naman nga maitatanggi na nagkamabutihan ang dalawa habang sila’y magkatrabaho.

CREDITS: Rabiya Mateo |IG

Si Rabiya Mateo ay kinoronahang Miss Universe 2020 at naging kandidata nga ng Miss Universe 2020 pageant dala ang pangalan ng bansang Pilipinas. Hindi man nga naiuwi ang korona, ay napabilang naman si Rabiya sa Top 21 semifinalist.

Matapos naman ang journey ni Rabiya bilang beauty queen, ay nagpasya naman siyang pasukin na rin ang mundo ng showbiz at subukan ang pag-arte. Pumirma nga siya ng kontrata sa GMA Network matapos ang kanyang final walk bilang Miss Universe 2020.

CREDITS: Rabiya Mateo |IG

Si Jeric Gonzales naman ay isa sa mga nagwagi sa second season ng reality show na Protege, na isang reality based artista search ng GMA Network.

At dahil nga sa kanyang angking husay sa pag-arte, at taglay ring kagwapuhan ay lumikha siya ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz. Ngayon nga, ay isa siya pinakamatagumpay at ipinagmamalaking artista ng GMA Network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

error: Content is protected !!