Connect with us

Entertainment

“Queen of All Media” Kris Aquino Nagpahayag Ng Pagnanais Na Manirahan Sa Probinsya

Published

on

Isa marahil sa solusyon ng maraming Pilipino ngayon ang programa ng gobyerno na balik probinsya dahil na rin sa hirap ng buhay na kanilang dinaranas. Marami kasi sa atin ang nakikipagsapalaran lamang sa Metro Manila upang magkaroon ng pandagdag kabuhayan sa kanilang mga pamilya na naiwan sa probinsya.



Sa ngayon mga marami tayong mga kababayan na tinatawag na LSI’s o locally stranded individuals na kung saan-saan muna namamalagi habang naghihintay na sila ay payagan ng makauwi sa kanilang mga lugar. Ang ilan nga sa kanila ay buo na ang desisyon na permanente ng manatili sa kanilang mga probinsya dahil nga mas magaan ang pamumuhay doon.

Simple o payak man ang pamumuhay dito iba pa rin talaga ang pakiramdam dahil bukod sa sariwa pa ang hangin ay marami pang pwedeng gawin na sadyang nakakarelax sa ating katawan at isipan.

Kamakailan nga ay isa si Queen of All Media Kris Aquino sa mga kilalang personalidad na nagbahagi ng kanyang pananaw sa pagbabalik probinsya o sa kanyang case ay tinawag niyang lipat probinsya.

Sa kanyang Instagram post nito lamang Biyernes, Hulyo 3, nagpost ang celebrity mom ng larawan ng kanyang panganay na anak na si Josh. Sa caption nito ay ibinahagi niya na kasalukuyang nasa Tarlac dahil di umano ay kailangan nitong mag ehersisyo para magbawas ng timbang.

Ng dahil kasi sa lockdown ay lumaki muli ang tiyan ni Josh kaya naman para maibalik ito sa dati ay pinayagan niya itong mag stay sa Aquino Center sa Tarlac upang doon mag-jogging. Habang magkasama naman sila ng kanyang bunsong anak sa Pradera Verde sa Pampanga.

“Ang deal namin, he has to lose his tummy na bumalik dahil sa lockdown. So every day, jogging siya. Kami ni Bimb, nasa Pradera Verde in Pampanga with my friends, the Pineda family,” saad niya.



Bakas naman sa mukha ng binata ang labis na kasiyahan na ayon pa ke Kris ay dahil dito umano dating madalas nagbobonding si Josh at ang kanyang namayapang lola na si former President Cory Aquino.

Paglalahad ng Queen of All Media:

“Whenever his Lola Cory would go to the Aquino Center in Tarlac, kasama si Josh. I perfectly understand why this is his happiest place because napaka-special ng bond nila ng Lola niya. Gusto talaga ni Kuya Josh ang buhay-probinsya.”

Hindi tuloy maiwasan ni Kris ang pagconsider sa paglipat sa probinsya dahil sa napakagandang benepisyo ng pananatili nya malayo sa siyudad dahil aniya ay nakaramdam siya ng labis na kapayapaan.

“I never imagined that I would reach a point in my life when my heart would feel peaceful and my health would benefit so much away from the city. but my work is in NCR, so the ideal is living somewhere reachable less than 90 minutes from the NLEX Balintawak entrance,” dagdag pa niya.

Sa huling bahagi ng kanyang post ay sinabi pa nito na lagi niyang prayoridad ang kasiyahan at ikakabuti nila Bimby at Josh, kaya naman sisimulan niya ito sa pagaalaga ng kanyang kalusugan.

error: Content is protected !!