Connect with us

Entertainment

“Push lang nang push”: Judy Ann Santos, Nagbigay ng Payo sa mga Taong Nagtiwala, Nagmahal at Nasaktan na Huwag Sumuko Hanggang Matagpuan ang Tamang Tao

Napakasarap naman sa pakiramdam kung ang pagsasama bilang mag-asawa ay puno ng pagmamahalan at nasubok na ng panahon sa hirap at ginhawa.




Katulad na lamang nga ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na halos 12 taon nang nagsasama bilang mag-asawa ngayon. At kung usapang puso lang din naman ang pag-uusapan, ay tiyak na may sapat na kaalaman na tungkol sa pagmamahal at pakikipagrelasyon ang celebrity couple sa dami ng kanilang pinagdaanan bilang mag-asawa.

Photo Credits: Judy Ann Agoncillo | IG

Kaya naman, sa latest vlog ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez, ay nagbigay ng payo ang mag-asawang Juday at Ryan sa mga taong natatakot magmahal dahil takot magtiwala at masaktan.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzalez 

Bungad nga ni Juday, ay kailangan talagang magtiwala bago pumasok sa isang relasyon. At kung masaktan man, ay kasama na yun sa leksyon na dapat matutunan kapag nagmamahal.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzalez 

“You’ll really never know when you’ll be able to trust again unless you try to trust another person again. Para sa akin, kapag nasaktan ka, part naman ‘yung ng lesson, ‘di ba? Sabi nga nila ang importante naman sa bawat moment na masaktan ka at magkamali ka is the lesson behind it.”




Dagdag pa nga ng aktres, ay magpatuloy lang sa pagmamahal kahit nasasaktan. Kailangang magtiwala at sumubok ulit at huwag sumuko dahil darating rin ang tamang taong inilaan ng Diyos na siyang mamahalin habang buhay.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzalez 

“So push lang nang push, try lang nang try and then you know, God will really bless you with someone who deserves your love, attention and respect.”

Para naman kay Dabarkads Ryan, ang pagtitiwala sa aspeto ng pagmamahal, ay maihahalintulad sa isang sport na gaya ng mountain bike.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzalez 

“Let’s say, ako, sa mountain bike, kapag sumemplang ako iisipin ko bakit ako sumemplang, pero magma-mountain bike at magma-mountain bike ako kasi gusto ko. So parang ganu’n din ‘yung tingin ko sa love.”

Nilinaw naman ni Ryan na sa bawat pagkakamali ay kailangang matuto, at huwag nang ulitin pa kung saan nagkamali. Kaya naman, mas mahalaga umano na matuto sa bawat pagkakamali at sundan na ang tamang landas.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzalez 

“Pero siyempre matandain din ako. So tatandaan ko kung ano ‘yung mga mali ko. But eventually, I know the next day, I’m going to get up and get on my mountain bike and attack the trail.”

Ang sinabing ito ni Ryan, ay sinang-ayunan naman ni Juday. Saad nga ng aktres, ay kailangan umanong sanayin ang sarili, nang sagayon ay maging handa sa anumang parating na suliranin.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzalez 

“That’s what you train yourself for. You don’t try and anticipate everything to be perfect. What you do is you prepare yourself.”

Samantala, nadako naman ang tanong kung paano malalaman kung karapat-dapat bang ibigay ang tiwala sa isang tao. Saad nga ni Juday, kapag ang isang tao ay kayang umintindi sa kung anong mundo na meron ka at naniniwala na kayang pasukin ang iyong mundo, gaano man ito kahirap.

“If a person somehow tries to understand what your world is and really try to not fit in, pero genuinely believes na kaya kong pumasok dito.”

“Iintindihin ko ‘to at kakayanin ko ‘to, medyo may pagbabago along the way. But you know, I believe, I wanna be with this person. With me and Ryan, parang at some point, pareho kaming naging ganu’n. Yung pareho naming hindi napansin na naga-adjust na kami sa mundo ng isa’t isa though hindi namin siya pinagu-usapan. Hindi namin pinush sa isa’t isa that you have to understand my work, you have to understand where I’m coming from.”




“Wala siyang naging ganu’n, ‘yung talagang kinakalibre namin siya on our own, and then we just finally discovered na pareho na kaming nandun sa timezone na ‘yun,” punto pa niya.

“‘Yung naintindihan ko na ‘yung pinanggagalingan niya, naiintindihan niya na rin ‘yung pinanggagalingan ko. May mga issues along the way but we both try to face it together,”pahayag pa ni Juday.

error: Content is protected !!