Connect with us

Entertainment

Publiko, Ikinabahala Ang Labis Na Pagpayat Ng Katawan Ni Kris Aquino Sa Video Ng Pagbati Para Sa Kanyang Yumaong Kapatid

Magmula nga nang mapabalita ang kalagayan ng aktres at TV host na si Kris Aquino kung saan nga ay nakikipaglaban sa kanyang karamdaman, ay hindi maiwasan ng marami niyang tagahanga ang mag-alala sa kanyang kalagayan.

CREDITS: Kris Aquino | IG

Nitong mga nakaraang buwan lamang ay ginulat ni Kris ang publiko dahil sa pagbagsak ng kanyang timbang. Matatandaan na noong taong 2018 nang ibahagi ni Kris sa publiko ang tungkol sa kanyang sakit na tinatawag na Chronic Spontaneous Urticaria o autoimmune disease.

CREDITS: Kris Aquino | IG

Ang nasabing karamdaman ng Queen of All Media, ay isang uri ng karamdaman kung saan ang immune system mo ay hindi matukoy ang body cells o foreign cells kaya naman inaatake nito ang sarili mong body cells.

CREDITS: Kris Aquino | IG

At kamakailan lamang nga, ay labis na pag-aalala ang naramdaman ng mga tagahanga ni Kris dahil mas lalo itong pumayat, kumpara nang huli itong masilayan sa social media.

CREDITS: Kris Aquino | IG

Hanggang ngayon ay patuloy parin ang pakikipaglaban ni Kris sa kanyang karamdaman. Ikinagulat ng kanyang mga fans ang labis niyang kapayatan ngayon, sa isang video kung saan binati niya ang kanyang namayapany kapatid na si former President Noynoy Aquino.

CREDITS: Kris Aquino | IG

Sa kanyang latest post sa kanyang Instagram, ay talagang ikinabahala ang publiko ang labis na pagpayat ng kanyang katawan. Nito lamang ika-8 ng Pebrero nang ipagdiwang ng dating pangulo ang kanyang ika-62 taong kaarawan. Kaya naman, hindi nakalimutan ni Kris na ipaabot ang kanyang pagbati sa yumaong kapatid na ayon nga dito, ay nagparamdam sa kanya.

CREDITS: Kris Aquino | IG

“Sorry, Noy mahirap mag edit. Kasi grabe ka naman magparamdam… tried my best umabot ng kahit 11:45 PM BUT di talaga kaya.”

Sa kanyang mensahe ay humingi rin ng patawad si Kris, dahil noong nabubuhay pa raw ang kanyang kapatid, ay hindi niya nasabi dito kung gaano niya ito kamahal.

CREDITS: Kris Aquino | IG

“I love you so much. i’m so sorry na hindi ko nasabi enough times when you were still here. i’m sorry for letting you down- but i know nakita mo how much your death has profoundly changed me.”

Mababakas naman sa mensahe ni Kris, na bagama’t masaya siyang magkakasama na ang kanyang mga magulang at kapatid sa kabilang buhay, ay hindi niya naman mapigilan ang mamiss ang mga ito.

CREDITS: Kris Aquino | IG

“i’m sure super happy ka because solong solo mo ang mom and dad in heaven. Please habaan nyo pa yung bonding nyo? If Ate goes, you know how tight she and mom were. If it’s Pinky, everyday may ka debate ka na hindi takot awayin ka. Please not Viel, she’s super organized & that’s why all your pamangkins get their birthday & Christmas “hulog ng langit”.”

CREDITS: Kris Aquino | IG

Sinabi rin ng aktres na bagama’t miss na miss na niya ang mga ito, ay binigyang diin ni Kris na kailangan pa siya ng kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby. Kaya naman, ayon kay Kris:

“WE ALL LOVE YOU and we really miss you- but kuya josh & bimb, they still really need me. Ikaw nang bahala, okay.”

error: Content is protected !!