Connect with us

Entertainment

Proud Mommy na si Sofia Andres, Ibinahagi ang mga Larawan ng kanyang Napakacute na Anak na si Baby Zoe

Kilala ang aktres na si Sofia Andres sa industriya ng showbiz bilang isa sa may pinakamaganda at maamong mukha. Maliban naman sa taglay na kagandahan ni Sofia ay taglay rin niya ang husay at talento sa pag-arte. Kaya naman, marami siyang mga proyektong talagang tinangkilik ng kanyang mga tagahanga.




Ngunit, kamakailan lamang ay ginulat ng aktres ang kanyang mga tagahanga sa kanyang isiniwalat na rebelasyon. Ito nga ang pagkakaroon niya ng anak sa boyfriend na si Daniel Miranda na isang car racer. Ang napakacute na anak ngang ito ni Sofia ay nagngangalang Baby Zoe. Hindi naman maikakaila na ang magandang katangian ng mga magulang ay namana ni Baby Zoe.

Isa ngang biyayang maituturing ang pagdating ni Baby Zoe sa buhay nina Sofia at Daniel. Kaya naman, ang aktres na si Sofia ay masayang-masaya sa panibagong yugto ng buhay na kanyang haharapin kasama si Baby Zoe. Ang pagiging ina nga ni Baby Zoe ay ini-enjoy ni Sofia.

photo credits: iamsofiaandres | Instagram 

Hindi naman maikakaila ang pagiging proud mommy ni Sofia sa kanyang napaka-cute na anak na si Baby Zoe. Matapos ngang ibahagi ng aktres ang mga larawan na kuha sa baptism ng anak, ngayon nga, ay mas lalo pa nating masisilayan ang cute at tila anghel sa among mukha ni Baby Zoe.

photo credits: iamsofiaandres | Instagram

Kamakailan nga, ay nagbahagi pa si Mommy Sofia ng mga larawan ng anak na talagang namang nakakahawa ang cute na ngiti. Napaka-adorable nga ni Baby Sofia sa bawat larawan na ibinahagi ng aktres.




photo credits: iamsofiaandres | Instagram

Nakakatuwa ring pagmasdan ang kanilang family picture dahil mababakas rito ang isang masayang pamilya na punong-puno ng pagmamahal na tila napakaperpektong tingnan ng kanilang pamilya. Tunay nga na napakaswerte ni Sofia sa boyfriend niyang si Daniel, at lalo namang pinalad ang aktres dahil may munting anghel pa silang magbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya.

Samantala, ang mga larawan ni Baby Zoe na ibinahagi ni Mommy Sofia sa Instagram ay hinangaan naman ng mga malalapit na kaibigan ng aktres sa industriya ng showbiz. At hindi nga napigilan ng mga ito na purihin ang napakacute na si Baby Zoe. Kaya naman, nag-iwan pa ang mga ito ng mga komento na mababakas ang paghanga kay Baby Zoe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

error: Content is protected !!