Connect with us

Entertainment

“Proud ako kasi hindi ko pinalaglag”, Binansagang Badjao Girl na Si Rita Gaviola Isang Proud Mom, Ipinakilala sa Publiko ang Kanyang Napaka-Cute na Baby

Si Rita Gaviola o binansagan ng publiko bilang Badjao Girl ay unang nakilala ng siya ay mag-trending noong taong 2016, ito ay matapos siyang makunan ng larawan ng isang netizens sa ginanap na Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon kung saan dahil dito ay marami ang humanga sa kanyang natural na kagandahan lalo na ng mai-upload sa social media ang kanyang nasabing larawan.

Photo credits: Rita Gaviola | IG

Matatandaan naman na napabilang si Rita sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7, at ito ang naging daan para magsimula ang kanyang showbiz career. Naging isa rin siya sa mga contestant ng It’s Showtime Sexy Babe segment nito lamang kasalukuyang taon.

Photo credits: Rita Gaviola | IG

Samantala, ginulat naman ni Rita ang marami niyang mga tagahanga nito lamang nakaraang araw ng Martes, ika-9 ng Agosto, ito ay matapos niyang kumpirmahin sa madla ang kumakalat na espekulasyon patungkol sa pagiging isa na niya umanong ina. Sa ibinahaging larawan ni Rita, ay tila ito na ang naging pagkumpirma at pag-amin niya sa publiko na siya ay isa ng ganap na ina.

Photo credits: Rita Gaviola | IG

Makikita sa Instagram post ni Rita ang naging pagbabahagi niya ng larawan kung saan ay masisilayan na siya ay may karga-kargang sanggol, maliban pa dito ay kasama din niya sa larawan ang kanyang non-showbiz parter. Maliban pa dito, ay nagbahagi pa si Rita ng close-up picture ng kanyang anak, kung saan ay masisilayan ang taglay na kakyutan nito.

Photo credits: Rita Gaviola | IG

Caption ni Rita sa larawan na ito, kung mayroon mang mam-bash sa kanya dahil sa naging pag-amin niya ngayon sa pagiging isa na niyang ina, ay ayos lang umano ito sa kanya, basta’t huwag lamang idadamay ng mga bashers ang kanyang anak.

“Sabihan ninyo lang ako masasakit na salita kahit laitin niyo ako okay lang sa akin basta wag ninyo lang idamay ang anak ko. Tatanggapin ko lahat ng masasakit wag lang anak ko,” saad ni Rita sa kanyang caption.

Photo credits: Rita Gaviola | IG

Dagdag pa na saad ng dating PBB housemate at tinaguriang Badjao Girl, ay proud siya sa kanyang pagiging isang ina, lalo na’t hindi niya nagawang ipalaglag ang kanyang anak, para lamang panatilihin na maganda at maayos ang takbo ng kanyang showbiz career.

“Pero isa lang masasabi ko na proud ako kasi hindi ko pinalaglag ang baby dahil lang sa kasikatan,” ani pa ni Rita.

Photo credits: Rita Gaviola | IG

Kaagad namang bumuhos ang napakaraming komento sa post na ito ni Rita, ang iba ay pinuri siya sa pagiging isang proud mom niya, at mayroon namang nagbigay ng payo sa kanya na huwag masyadong magbabahagi ng larawan ng kanyang anak sa social media upang maprotektahan niya ito.
Narito ang ilang komento ng mga netizens;

Photo credits: Rita Gaviola | IG

“Don’t mind them. Whatever you do may masasabi talaga yung tao. As long as the baby is well taken care of and wala kayong ina-agrabyadong tao then that’s fine. Best of everything to you as you experience this amazing gift of motherhood!”
“I know proud ka ke Baby, sino ba naman hindi pag super cutie.. but limit sharing his/her photos in socmed for his/her protection.”

error: Content is protected !!