Connect with us

Entertainment

Prima Donnas Star Aiko Melendez, May Nakakaantig at Napaka-Sweet na Mensahe sa kanyang Boyfriend na si Subic Vice-Governor Jay Khonghun sa Pagdiriwang ng kanilang 3rd Anniversary

Hindi lamang karera ng Prima Donnas star na si Aiko Melendez ang patuloy na namamayagpag at puno ng kulay, kundi pati na rin ang kanyang buhay pag-ibig ay nag-uumapaw rin sa saya. Ito nga ay dahil sa kanyang boyfriend na si Subic Vice-Governor Jay Khonghun, na talaga namang mahal na mahal siya.




Matatandaan na unang kinumpirma ni Aiko ang relasyon nila ng Vice Governor ng Subic noong March 2018. Minsan namang naibunyag ng aktres sa isang panayam, na dinededma umano niya ang mga mensahe ng nobyo, ngunit nabago ang lahat nang magkaroon sila ng dinner date.

Photo credits: Aikomelendez | Youtube

Samantalang noong nakaraang buwan naman ng Mayo, ay napabalita ang kanilang paghihiwalay. Ngunit, mariin itong itinanggi ni Aiko, at ayon nga sa kanya ay natural lamang na dumaan sa mga pagsubok ang mga magkarelasyon. At dahil nga, sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa, ay mas pinili nilang maging matatag at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. At ngayon nga, ay magkasama pa rin sila at patuloy na minamahal ang isa’t isa.
At nito lamang ika-28 ng Oktubre, araw ng Miyerkules, ay masayang ipinagdiwang nina Aiko at Vice Governor Jay ang kanilang 3rd Anniversary bilang magkasintahan. Sa pagdiriwang nga ng kanilang espesyal na araw, ay nagkaroon ng surpresang dinner date si Jay para kay Aiko na ginanap sa Subic, Zambales.

Sa Instagram ni Aiko, ay ibinahagi ng aktres ang kanyang pagmamahal sa nobyo, sa pamamagitan ng isang larawan na kuha sa masayang kaganapan ng kanilang anibersaryo sa Subic, Zambales.

“Happy Anniversary Baby @vicegovjaykhonghun_. 1095 Days of being together. And more years to come. I love you! Thank you for being my number one fan and critic. I love doing life with you!”

Samantala, hindi naman nakalimutan ng aktres na magpaabot ng isang nakakaantig at napakasweet na mensahe para sa pagdiriwang ng kanilang 3rd Anniversary bilang magkasintahan.




Mababakas nga sa mensahe ni Aiko ang kanyang labis na pasasalamat sa nobyo sapagkat, ito umano ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Humingi rin ng patawad ang aktres, sa mga panahong nag-aaway sila, ngunit ayon naman rito, ay naniniwala siya na malalampasan nila ang lahat ng pagsubok na kanilang haharapin.

Photo credits: Aikomelendez | Youtube

“I want to thank you for encouraging me to do my best. I want to thank you for believing in me when I can’t even believe in myself. We have our ups and downs. We get annoyed with each other. One thing I’m certain about is I wouldn’t want this with another. I’m really sorry if we fight sometimes but no matter what I know we will get through all these.”

Binati rin ni Aiko ang kasintahan sa kanilang anibersayo na kung saan ay hindi maikakaila ang labis niyang pagmamahal rito. Sa huling bahagi ng mensahe, ay mababasa ang pagnanais na bumuo ng pamilya ng aktres kasama ang nobyo.

“Happy Anniversary baby! I love you! Thank you for being the person that I can rely on. Thank you for the 1095 good morning texts that you send me. And thank you for letting me see the different sides of you, even the not so good ones. And most of all thank you for letting me know that love still exists and for sticking around when time gets tough. I love you so much. There is no one I can’t think of spending the rest of my life with but you… Happy 3rd year anniv Baby! We have a lifetime to share. Not just you and me but with our family and kids. And God being the center of our relationship! Mucho love.”

error: Content is protected !!