Connect with us

Entertainment

Prima Donnas Star Aiko Melendez, Ibinahagi ang Siktreto ng Biglaan niyang Pagpayat

Published

on

Marami sa atin ang naghahangad na pumayat at maging sexy ang katawan. Isa nga ito sa mga hinahangad ng mga kababaihan, ang maging sexy at kasabay rin ng pagiging sexy ang isang malusog na pangangatawan.




Subalit, hindi naman ganun kadali maabot ang goal na ito lalo na’t napakasarap kumain. At ngayong panahon nga ng quarantine, halos nakatambay lang ang karamihan sa atin sa loob ng tahanan, at ang pagkain ng masasarap na pagkain ang ating napagbabalingan ng oras. Kaya naman, imbes na pumayat ay lalo pa atang lumulobo ang ating katawan.

Photo credits: aikomelendez | Instagram

Ngunit, taliwas sa nakasanayang pagkain ng masasarap na pagkain ng ilan habang nakaquarantine, ang Prima Donnas star na si Aiko Melendez ay nagkaroon ng sarili niyang body goals na talaga namang makikita ang magandang resulta sa kanyang katawan ngayon.

Marami nga ang nagulat sa biglaang pagpayat ng aktres, matapos niyang magpost ng isang larawang nagpapakita ng kanyang pagiging fit at sexy. Kaya naman, marami rin ang nagtatanong kung ano ang sikreto ng aktres at nagawa niyang pumayat.

Photo credits: aikomelendez | Instagram




Ito nga ang sikretong ibinunyag ng aktres sa kanyang vlog na pinamagatang “Paano Ako Pumayat? Secrets Revealed!”. Sa kanyang vlog nga, isiniwalat ni Aiko ang kanyang ginawa upang pumayat kasama na rito ang kanyang kinakain sa araw-araw.

Ayon naman kay Aiko, hindi naging madali ang ginawa niyang pagpapayat dahil nga mataas ang blood pressure niya, ngunit sa kabila nito ay nagawa niyang magdiet at mamaintian ang kanyang blood pressure.

Sa unang buwan nga, ay nagsimula si Aiko sa pag-dadiet kung saan nag-under go siya ng “calorie-counting diet”, kung saan nagsimula siyang kumain araw-araw ng pagkain ng isang hard-boiled tuwing umagahan at tanghalian na katumbas ay 500 calories.

Photo credits: aikomelendez | Instagram

Sa pangalawang buwan naman, matapos maabot ang nais niyang timbang ay ginawa naman niyang 1000 calories per day ang calorie-counting diet niya kung saan ay tanging mga prutas at gulay lamang ang kanyang kinakain.

Nagbigay naman ng tip si Aiko sa mga nais magpapayat ngunit nahihirapan dahil sa palaging pag-crecrave sa tuwing makakakita ng mga masasarap na pagkain.

“Important tip doon sa mga nagugutom lalo na kapag nagda-diet, get a glass of water and then mag-squeeze kayo ng lemon. Because that’s supposed to suppress your appetite para mawala niya ‘yung hunger pangs na tinatawag, ‘yun ‘yung urge niyong kumain.”

“Yung mind natin has five minutes para gustuhin natin ‘yung pagkain na ‘yun pero bigyan niyo ng another five minutes para ialis niyo sa utak niyo na hindi niyo talaga gusto kainin ‘yon”.

error: Content is protected !!