Connect with us

Entertainment

“Prayer is my most important weapon”: Danica Sotto, Ibinahagi na Pagdarasal ang Pinagkukunan ng Lakas Para Labanan ang mga Pagsubok Ngayong Pandemya

Marahil karamihan sa atin ay matinding hirap ang nararanasan ngayong panahon ng pandemya. At hindi nga maikakaila na maraming mamamayan ang apektado ng pandemya. Maraming nawalan ng kabuhayan, at marami rin ang nagkakasakit. Sa pagsubok na dala ng pandemya sa buhay ng bawat isa, ay talagang hindi maiwasan na magkaroon ng pangamba.

Credit: Danica Sotto – Pingris | Instagram

Katulad na lamang nga ng asawa ng dating PBA player na si Marc Pingris na si Danica Sotto na aminadong nakakaranas rin ng matinding pagsubok ngayong panahon ng pandemya. Ngunit, kamakailan lamang ay ibinahagi ni Danica ang ilan sa kanyang mga tips para malabanan ang mental health issues sa gitna ng pandemya.

Idinaan ni Danica sa isang Instagram post ang kanyang tips na kung saan ay inilista ang kanyang mga ginagawa sa tuwing nakakaranas siya ng pagsubok lalo na sa tuwing nao-overwhelm siya sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Credit: Danica Sotto – Pingris | Instagram

Ang caption naman ni Danica sa kanyang post ay nilakipan niya ng larawan kung saan makikita ang kanyang hawak na notebook at ballpen.

“What do I do when I feel overwhelmed?”

Una sa listahan ni Danica ay ang kanyang pagdarasal. At ayon sa kanya, ay ang kanilang silid o kaya naman ay banyo ang kanyang nagiging takbuhan niya para huminga at manalangin. Dagdag pa nito, ang pagdarasal ang kanyang panlaban sa anumang pagsubok.

“1. I pause. I go to my bedroom sometimes sa bathroom at doon ako humihinga at nagdadasal.”

“Prayer is my most important weapon. I journal and I go back to the verses that I’ve highlighted sa Bible because I know God’s word will always encourage and give me strength.”

Credit: Danica Sotto – Pingris | Instagram

Isa ring napakahalagang bagay na malaki ang naitutulong sa kanya sa tuwing nahaharap siya sa problema, ay ang pag-oopen up niya sa kanyang asawang si Marc Pingris. Alam umano ni Danica na kapag nakausap niya ang kanyang asawa ay magagabayan siya nito ng maayos at mapapakalma, dahilan nga para gumaan ang kanyang pakiramdam.

“Masarap yung feeling na may nasasabihan ka. He comforts me but, at the same time, he also corrects me. Pag may mali din ako, he makes sure na alam ko at kahit masakit pa, he will speak the truth.”

“Hindi niya ako kukunsintihin. It’s okay with me para ma improve ko ang sarili.”

Credit: Danica Sotto – Pingris | Instagram

Maliban sa pakikipag-usap sa kanyang asawa, ay nakikipagkwentuhan rin si Danica sa kanyang mga malalapit na kaibigan. At ayon sa kanya ay malaking tulong na ang mabigyan siya ng payo kahit pa maikling pag-uusap lamang sa telepono.

“I also talk to a close friend or relative. Yung alam ko she/he will give me good advice. Kahit a short convo lang on the phone.”

“I miss having coffee dates, too. It really helps when you know that there’s someone who will be there to listen to you. How bout you? Anong ginagawa nyo when you feel ang daming challenges?”

Credit: Danica Sotto – Pingris | Instagram

Sa huli ay hinikayat ni Danica ang kanyang mga followers na ibahagi rin ang kanilang ginagawa sa tuwing nahaharap sa pagsubok. Bumuhos naman ang positibo at puno ng inspirasyong komento ang nasabing post ni Danica. Ang ilan nga, ay nagbahagi rin ng kanilang kwento kung paano harapin ang hamon ng buhay at mga pagsubok na kaakibat ng nararanasang pandemya.

error: Content is protected !!