Connect with us

Entertainment

Prank the Prankster: Ivana Alawi, Inireklamo Sa Programang Raffy Tulfo In Action, Ivana Di Kinaya, Naiyak

Published

on

Patok na patok talaga ngayon sa mga vlog ang prank ng mga celebrities. Ito nga ang kinagigiliwan ngayon ng mga netizens upang maalis ang pagkabagot ngayong sumasailalim pa ang ilang bahagi ng bansa sa quarantine.




Isa nga si Ivana Alawi sa hinahangan ng publiko sa husay niya sa pagiging vlogger na nagdadala ng kasiyahan sa kanyang mga taga-hanga at mga manonood. Dahil nga taglay ni Ivana ang magandang mukha at karisma ay agad siyang nakakahakot ng mga followers sa kanyang mga socila media accounts kaya naman hindi maikakaila na isa siya sa mga vlogger na mabilis sumikat ngayon.

Maliban rito, isa rin siya sa mga pinapantasya ng mga kalalakihan ngayon dahil sa kanyang taglay na maamong mukha at magandang hubog ng katawan, na nakadagdag pa upang mas lalo siyang hangaan ng publiko.

Samantala, ang idol naman ng lahat na si Raffy Tulfo ay kilala naman sa kanyang husay at galing sa pagresolba ng mga problema ng mga mamamayan sa kanyang programang Raffy Tulfo In Action. Isa rin si Idol Raffy sa mga kilala at hinahangaang Youtuber sa bansa.




Ngunit, paano kaya kung ang prankster na mahilig mag-prank sa iba ay siya namang mapagkatuwaang i-prank?

Matatandaan sa mga vlog ni Ivana na ilang beses na siyang nagsagawa ng prank sa ibang tao, kabilang na nga ang prank niya sa kapatid na si Mona at maging ang kilalang si DJ Loonyo ay naging instrumento rin niya sa kanyang prank boyfriend sa kanyang ina. Ngunit ngayon, si Ivana naman ang magiging biktima ng prank na kinatutuwaan ng lahat.

Ang mga staff nga ng programang Raffy Tulfo in Action ay humiling kay Idol Raffy na i-prank ang sikat na vlogger na si Ivana Alawi. Agad naman itong pinaunlakan ni Idol Raffy at nagdesisyong maghanap ng taong makakatulong niya upang maisagawa ang prank kay Ivana.

Ang nakakatuwang prank ngang ito kay Ivana ay ibinahagi ni Idol Raffy sa kanyang Youtube Channel na “Raffy Tulfo in Action”.

Bago naman isagawa ang prank kay Ivana, nagsagawa muna sina Idol Raffy at kasabwat nito ng isang rehearsal. At sa video, unang mapapanood ang final rehearsal nina Idol Raffy para i-prank si Ivana.

Nagsimula na nga ang palabas ng kanyang fake segment ng programa, tinawagan na ni Idol Raffy ang kasabwat sa prank kung saan ay inirereklamo si Ivana Alawi. Kagaya ng napapanood sa programa, normal ang kanilang pag-uusap na kung saan ay nagtatanong si Idol Raffy sa nagrereklamo at sinasagot naman nito ang mga katanungan. Nang sa tingin ni Idol Raffy ay handa na silang isagawa ang prank, tinawagan na niya si Ivana upang idulog ang reklamo.




Sa pagsisimula naman ng prank, sinabi ni Ivana na iniidolo nito si Idol Raffy at sinagot naman ito ni Idol na maging si Ivana ay idolo rin ng lahat ng kanyang staff.

Ang prank nga ay tungkol sa reklamo ng nagngangalang Loida na sumakit umano ang tiyan matapos makatanggap ng relief goods mula kay Ivana at kumain ng sisig na kasama sa relief goods. Ang nasabing nagrereklamo ay nais humingi ng pera mula sa kompanya ng bigas, kompanya ng de kata at mula kay Ivana. Sinagot naman ito ni Ivana at sinabi na wala siyang ibang intensyon kundi ang tumulong lamang sa mga nangangailangan, ngunit nais naman niyang sagotin ang pang pahospital at bigyan ng pangkabuhayan ang nagrereklamo. Hindi naman napigilan ni Ivana ang kanyang emosyon ay napaiyak na lamang sa sumbong ng nagrereklamo.

Upang maging kapani-paniwala ang bawat eksena sa prank ay gumamit pa si Idol Raffy ng taong may alam sa batas at maging ang staff niya ay andon rin upang suportahan ang ibidensya ng pagsakit ng tyan ng nagrereklamo.

Sa huli, ay hindi na nakatiis si Idol Raffy at tinanong na ang complainant kung ano talaga ang nais nitong gawin. At sinabi nito na talagang fan niya si Ivana at nakikita niya itong naglalaba at nagka-car wash. Kaya naman, ang nais lamang nito ay turuan siya ni Ivana na matuto sa paglalaba at pagka-car wash.




Halos hindi makapaniwala si Ivana sa sinabi ng complainant, at ang kanyang luha ay napalitan ng isang malakas na pagtawa. Maging si Idol Raffy, Mommy ni Ivana at si Mona ay natawa na lang din kay Ivana. Humingi naman ng paumanhin si Idol Raffy sa pag-prank niya kay Ivana.

error: Content is protected !!