Connect with us

Entertainment

“Prank ba ‘to?’”: Nanay Rosario, Tuwang-tuwang at Hindi Halos Makapaniwala sa Natanggap na Surpresa Mula kay Vice Ganda Na Bago at Napakagandang Bahay Para sa Kanilang Pamilya

Walang pagsidlan ng tuwa at hindi makapaniwala si Nanay Rosario, ang ina ng Unkabogable star na si Vice Ganda kamakailan. Ito nga ay matapos surpresahin ni Vice ang kanyang pamilya ng isang bago at napakagandang bahay.

Nito lamang ika-13 ng Agosto, araw ng Biyernes ng ibahagi ni Vice sa kanyang vlog, ang kanyang surpresa sa kanyang ina at kapamilya kung saan nga ay naghatid sa mga ito ng labis na kasiyahan. Inakala ng ina ni Vice na si Nanay Rosario na umiral na naman ang kalokohan ng kanyang anak, at may prank itong inihanda. Ngunit, ang halos hindi makapaniwalang si Nanay Rosario bagama’t ilang ulit nagtanong kung prank lang ba ang lahat ay talagang masayang-masaya sa naging surpresa ni Vice.

Ang inihandang surpresang bagong bahay ni Vice para sa kanyang pamilya, ay itinaon na rin niya sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang kapatid na si Tina. Nitong nakaraang Biyernes nga, ay isang plano ang naisip gawin ni Vice para mapaligaya ang kanyang pamilya na kanyang ipinasilip sa kanyang vlog.

Ang buong akala ng pamilya ni Vice ay pupunta sila sa labas para magkaroon ng isang masaganang dinner para i-celebrate ang birthday ng kanyang Ate Tina. Ngunit, lingid sa kaalaman ng mga ito, ay may inihanda pa lang malaking pasabog si Vice kung saan nga ay naghihintay lang ng timing para surpresahin ang kanyang pamilya. At ang birthday ng kanyang Ate Tina ang naging oportunidad ni Vice at Ion para ibunyag na ang kanilang inihandang surpresa.

Hindi alam ng pamilya ni Vice na dadalhin pala sila ng Unkabogable star sa bago at napakagandang bahay na pagmamay-ari mismo ng Viceral family. Nang makarating nga sa bahay ay bumungad ang balloon decorations sa pader ng living room kung saan mababasa ang mga salitang “Welcome to your new home, Viceral family.”

At ang ina ni Vice na si Nanay Rosario ay talagang nagulat at hindi makapaniwala kung saan ay nagtanong pa kung prank ba ito. Ang kanyang Ate na si Doc Tina naman, ay nagtanong rin kung prank ba ito, ngunit nilinaw naman ni Vice na ito nga ay talagang inihanda niya para sa kanyang pamilya. Isang bago at napakagandang bahay kung saan magiging komportable at masaya silang maninirahan.

Ayon sa pamangkin ni Vice na si Camille ay 12 na taon nang naninirahan nang sama-sama ang kanilang pamilya na may 12 na miyembro sa Tambunting, Manila. Kaya naman, talagang maluha-luha si Nanay Rosario at Camille nang yumakap kay Vice dahil sa sobrang pasasalamat.

Ang masayang-masaya na si Doc Tina naman, ay talagang inilarawan ang bonggang surpresa ni Vice sa kanyang kaarawan bilang “surreal”.

“Ang bongga mo lang dito. Walang enough na words to say thank you sa ‘yo. Kaya ang bongga ni God sa iyo, kasi ang bongga mo rin sa amin.”

Samantala, agad namang inilibot ni Vice ang kanyang pamilya sa ilang bahagi ng bagong bahay. At ayon nga kay Vice, ang tatlong palapag na napakagandang bahay na ito ay may 7 bedrooms at may swimming pool.

Ipinaliwanag naman ni Vice ang kanyang dahilan kung bakit niya naisipang surpresahin ang kanyang pamilya ng isang bago at napakagandang bahay. Ayon nga sa komedyante, ay nangangamba siya sa maaaring mangyari dahil sa nararanasang pandemya. Kaya naman, bago pa man dumating ang mga hindi inaasahang pangyayari, ay tiniyak niya na magiging masaya ang kanyang pamilya at maibigay niya sa mga ito ang pinakamagandang regalo.

“Meron na rin akong fear na, ‘Oh my God, ako kaya, kailan ako babawiin? Sino pa kaya ‘yung mas malalapit pa na mawawala?’ Kaya bago pa mangyari ‘yun, hangga’t kaya kong magbigay ng masayang memory o magandang regalo sa kanila, gagawin ko na. Hindi ko alam kung nandoon pa ako bukas, next month, o next year.”

“Sobra naman ‘yung ipon ko. Sino’ng makikinabang? E ‘di kami-kami rin naman. Gusto ko maramdaman ng family ko, ma-experience nila ‘yung sarap hangga’t nabubuhay ako, hangga’t nabubuhay sila. Gusto kong maramdaman namin lahat ‘yung masarap, ‘yung masaya, ‘yung maganda.”

“Napaka precious sa akin ng panahon, kaya ayoko na mag-aksaya. Hangga’t may time, gusto kong makagawa at makapagbigay ng magandang pakiramdam sa pamilya ko.”

error: Content is protected !!