Connect with us

Entertainment

Polo Ravales, Isa Nang Ganap na Ama sa Panganay na Anak Nila ng Kanyang Fiancee na si Paulyn Quiza

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang aktor na si Polo Ravales dahil ngayon nga ay isa na siyang ganap na ama. Matapos masilayan ang panganay na anak nila ng kanyang fiancee na si Paulyn Quiza, isang fitness coach, ay talaga namang hindi matawaran ang nadaramang saya ni Polo.

Dahil nga sa napakagandang biyaya na kanyang natanggap sa panibagong yugto ng kanyang buhay niya, ay proud na proud na ibinahagi ni Polo sa kanyang Instagram account nito lamang ika-8 ng Setyembre na siya nga ay isa nang ganap na ama sa kanyang panganay na anak.

Photo credits: poloravales | IG

Sa Instagram ay ibinahagi ni Polo ang larawan ng kanyang mag-ina, kung saan makikitang mahimbing na natutulog ang munting sanggol. Sa caption ng post ni Polo, ay idenitalye niya na noong ika-5 ng Setyembre ay ligtas isinilang ni Paulyn ang cute at malusog nilang baby boy sa pamamagitan ng normal delivery sa ganap na 8:58 am. Ang napakacute na baby boy nina Polo ay pinangalanan naman nilang Yatrick Paul Quiza Gruenberg.

Samantala labis rin ang pasasalamat ng aktor sa Diyos dahil ligtas at malusog na nailuwal ang kanilang panganay na anak.

“Thank you God for a normal delivery and a very healthy Baby P.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Polo Ravales (@poloravales)

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Abril nang ianunsiyo ni Polo sa publiko ang pagbubuntis ng kanyang fiancee na si Paulyn sa panganay nilang anak. Bago pa man dumating si Polo sa buhay ni Paulyn, ay may isa na itong anak sa kanyang naunang nakarelasyon, at ito nga ay si Tyler.

May nakakakilig namang kwento ang love story nina Polo at Paulyn. Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nauwi na rin sa engagement na naganap noong December 2018. Matatandaan naman sa isang panayam ng TV host na si Boy Abunda, ay naikwento ni Polo na hindi niya inaasahan ang pagdating ni Paulyn sa buhay niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paulyn Quiza (@pauquiza)

Kwento ng aktor ay December 26 sila nagkakilala, kung saan noong December 25 ay naramdaman niyang parang may kulang sa buhay niya. At nang makilala niya si Paulyn kinabukasan, ay tila nga nagbago ang lahat dahil nang makita at makausap umano niya ito ay naramdaman niya na tila matagal na niya itong kakilala.

“Nagkakilala kami December 26. December 25, Tito Boy, I wasn’t feeling happy parang may kulang. E parang nung mga panahon na yun sabi ko I’m single so I can date like whoever.”

“Umalis ako, kasama ko yung friend ko na gay. Lumabas kami gumimik kami tapos nagkukwentuhan kami. Sabi ko parang sawa na yata ako mag-date, sawa na ako na to be single. Gusto ko meron na talaga akong diretsong path tapos December 26 dun ko siya nakilala.”

“Nung una ko siyang nameet, iba na yung feeling. Parang matagal ko na siyang kilala. Totoo pala yun.”

error: Content is protected !!