Connect with us

Entertainment

“Pls don’t throw this family away”: Giselle Sanchez, Pinakiusapan si Paolo Contis na Huwag Sayangin ang Pamilyang Nabuo Nila ni LJ Reyes

Ikinagulat ng publiko ang kumpirmasyon sa hiwalayan ng Kapuso celebrities na sina Paolo Contis at LJ Reyes. Matapos kumalat ang samu’t saring espekulasyon sa paghihiwalay ng dalawa, ay hindi na nga nakapagpigil pa ang aktres na si LJ na magsalita kaugnay sa isyu.

Credits: Google | Image

Sa isang interview kay Boy Abunda, ay ibinahagi ni LJ ang kanyang panig patungkol sa hiwalayan nila ni Paolo. Ang matamis na pagmamahalan nina Paolo at LJ ay nagtapos matapos ang anim na taon, at ito’y nagbunga ng isang anak na babae na si Summer. Matapos marinig ng publiko ang kwento ni LJ, ay marami nga ang talagang nahabag at naawa sa sinapit ng aktres, pati na rin sa binuo nilang pamilya ni Paolo.

Isa na nga rito ang aktres na si Giselle Sanchez na hindi rin nakatiis na magbigay ng kanyang mensahe para kay Paolo at sa pamilya nito. Sa kanyang column sa Manila Bulletin na “Gossip Girl” ay ibinahagi ni Giselle ang kanyang panghihinayang para sa anim na taong pagsasama nina Paolo at LJ at sa nabuo nilang pamilya.

Ayon kay Giselle, ay may pag-asa pang magkaayos sina Paolo at LJ dahil base sa kanyang nakita nang makapanayam ni Boy Abunda ang aktres, ay kaya nitong magpatawad ngunit, kailangan lang ng panahon dahil hindi nga maitago na labis itong nasaktan sa nangyari.

Credits: Google | Image

Sa open letter na ito ni Giselle na kanyang ibinahagi ay naging diretsahan naman ang kanyang pakiusap kay Paolo na huwag sayangin ang binuo nilang pamilya ni LJ. Naniniwala si Giselle na isang mabuting ama at partner si Paolo kaya naman, alam siya na magkakaayos pa ang mga ito.

“Paolo, if you are reading this, please listen to your Ate Giselle. We have worked together ever since you were a kid. I saw you grow up from “Ang TV” to Okatokat. I saw you grow to be a good boy to a good father and husband. Please don’t throw this family away who love you dearly.”

Credits: Google | Image

Dagdag naman ni Giselle, nang mapanood ang interview ni LJ, ay labis siyang naawa rito. Ngunit, humanga rin siya sa katatagan ng loob ni LJ sa pagharap ng matinding hamon sa buhay na nararanasan nito ngayon. Napakahirap naman talaga ng sinapit ni LJ, kung saan nga ang kanyang tunay na pagmamahal at pangarap na binuo para sa kanyang mga anak na mabigyan ng isang buo at masayang pamilya ay agad na nagwakas.

“I really admire LJ for her strength and for her zeal to be committed to the relationship. In relationships, there may be times that you may have a good reason to get out. They did things to hurt you, and they let you down.”

Credits: Google | Image

Bagama’t nasasaktan at damang-dama ang hirap ng kalooban ni LJ sa interview habang nagsasalita, ay mas pinili pa rin niyang maging maingat sa kanyang mga salita, kung saan nga ay hindi siya nagbigay ng ikakasira ni Paolo sa publiko.

error: Content is protected !!