Connect with us

Entertainment

Piolo Pascual, Ibinahagi na ang Hilig sa Pag-arte ay Nakuha Niya sa Kanyang Ama na Isang Casting Director

Ang batikang aktor na si Piolo Pascual ay hindi matatawaran ang husay sa pag-arte. At sa taglay niyang husay ay madalas na lead role ang kanyang ginagampanan sa kanyang mga proyekto. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami ang hilig niya sa pag-arte at natatanging husay, ay may pinagmulan.

Sa programa ni Boy Abunda na Tonight With Boy Abunda, ay nakapanayam si Piolo kung saan ay nagkwento ang aktor tungkol sa kanyang ama. Matatandaan naman na noong 2017, nang mapanood ang pelikula ni Piolo na Northern Lights: A Journey to Love. At sa nasabing panayam ay ibinahagi rin niya kung paano siya naka-relate sa takbo ng kwento nito, lalo na sa hirap ng pagiging isang ama.

Photo credits: Piolo Pascual | IG

Unang ibinahagi ni Piolo ang tungkol sa kanyang amang German kung saan ibinahagi niya ang tungkol sa post niyang larawan sa social media kasama ang kanyang ama. Ayon nga kay Piolo, ang hiling niya noong bata pa siya ay maging katulad sa kanyang amang mestiso, at magmukhang may purong dugong German tulad ng kanyang ama.

Inilarawan ni Piolo ang magagandang features ng kanyang ama tulad ng blonde nitong buhok, at kulay green nitong mga mata, kung saan at wala umanong nakakuha isa man sa kanilang pamilya. Dagdag pa ng aktor, na sana raw ay naging mestiso siya upang mas magmukha siyang magandang lalaki. Ngunit, paglilinaw naman niya ay hindi ibig sabihin, ay hindi niya na gusto anuman ang taglay niyang katangian ngayon.

Photo credits: Piolo Pascual | IG

“My father had blonde hair, green eyes, and no one in my family got it. Lumalaki kami, sabi ko, ‘Sayang mas maganda sana kung mestizo ka.’ Para maiba lang.bNot naman to say na hindi magaganda at pogi ang Asian pero it’s just that I just wanted to look like my dad. I’m still my father’s son.”

Photo credits: Piolo Pascual | IG

Ibinahagi rin ni Piolo kung anong klaseng magulang ang kanyang ama pagdating sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang magkakapatid. Kwento nga ng aktor, ay strikto ang kanyang ama. At bilang isang ama, ay hindi raw sila nakalimutang turuan nito ng magandang asal lalo na sa pagkakaroon ng respeto at pananampalataya. Bagay nga naipamana rin niya sa kanyang anak na si Iñigo.

“Bawal ang maingay sa mesa ‘pag kumakain, Nagdadasal kami every day. Bawal madumi sa bahay, laging maayos. So, lumalaki kami para kaming may martial law sa bahay.”

Samantala, itinuturing ring “hero” ni Piolo ang kanyang ama dahil ito umano ang dahilan ng kinaroroonan niya ngayon, at siya ring dahilan ng kanyang talento sa pag-arte. Pag-amin nga ni Piolo, ang husay niya sa pag-arte bilang aktor sa showbiz ay nakuha niya sa kanyang ama.

Photo credits: Piolo Pascual | IG

Pagbabahagi nga ni Piolo ang kanyang ama ay isang casting director sa mga international movies na sa Pilipinas kuha ang bawat eksena, bukod rito ay may karanasan rin sa pag-arte ang kanyang ama. Walang duda nga, na nakuha ni Piolo ang hilig sa pag-arte sa kanyang ama.

Alam ni Piolo na masaya ang kanyang ama na makita siyang matagumpay sa landas na kanyang tinatahak, lalo na’t pareho sila ng hilig. At ang hilig nila pareho sa pag-arte ay si Piolo na ang nagbigay katuparan na maging matagumpay.

error: Content is protected !!